Kabanata 26
Mama took my phone and announced I am grounded. And she's always been true to her words so all I ever did after that was to cry hard on Mina's arms.
Sobrang sama ng loob ko. Hindi lang kay Mama kundi na rin sa mundong ito.
Ganoon na ba kasama na maging masaya ako? Hindi na nga ako naging masaya sa pamilya namin. Kailanman, hindi ako naging masaya nang todo. Kay Chasin ko lang naranasan iyon. At ngayon, tatanggalin pa nila sa akin iyon? They're so cruel... so cruel...
"Tahan na, Yzce..." Pag-aalo sa akin ni Mina.
Umiling-iling ako habang nakayakap sa kanya. Nakaupo kami sa kama pareho habang pinatatahan niya ako sa pag-iyak.
"Mama's the least person I expect to do something like this to me, Mina. Akala ko pagdating sa mga ganitong bagay, siya ang poprotekta sa akin. Poprotektahan niya ako laban kay Mamita. K-Kasi, alam niya naman kung gaano kalupit ang matandang iyon, 'di ba? She experienced it first hand. So she should be protecting me now! P-Pero ano ang ginagawa niya ngayon?"
Mina hugged me tightly. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang likod ko.
"Wala namang ginawang masama si Chasin. H-He makes me happy. He cares for me and protects me at all times. Sa pamilya namin, walang gumawa ng ganoon sa akin. Kaya bakit... Bakit..." Humagulgol ako.
Pakiramdam ko, lahat ng naipon kong sama ng loob sa nagdaang mga taon sa pamilya ko, ibinubuhos ko na ngayon.
"Ang sakit..."
"Sige... Iiyak mo na lang lahat ngayon. Pagkatapos, tutulungan kitang mag-isip ng paraan para makausap mo si Chasin, okay?" Mina's voice cracked a bit indicating that it will only matter a second before she cries too.
Mas lalo akong naiyak.
I realized, Chasin's not the only person I can rely on right now. How dare I forget about her?
Humigpit ang yakap ko kay Mina. "Thank you, Mina..."
She chuckled. "Ano ka ba?"
Humikbi ako.
Kalaunan, tumigil na ako sa pag-iyak. Mina then started telling me the things she had immediately thought to help me.
"Gamitin mo muna itong cellphone ko. I-text mo na ngayon mismo si Chasin. Sabihin mo ang nangyari. Na kinuha phone mo."
Tumango-tango ako.
"Memorize mo number niya?"
Umiling ako.
Ngumiwi siya sa akin at kinuha muli ang kanyang phone sa akin. "Text ko si Ambrose. Hihingin ko."
Dahan-dahan akong tumango habang nagpupunas ng mga tuyong luha sa aking pisngi. Nakaupo siya sa tabi ko kaya nasisilip ko ang pag-message niya kay Ambrose.
To Anak ng Kabayo:
Hoy. Give me Chasin's number.Agad nag-reply si Ambrose sa kanya.
Anak ng Kabayo:
Why? Why do you need his number?Reply ni Mina:
Ibigay mo na lang, puwede?Anak ng Kabayo:
No.Mina gasped. Gumuhit ang iritasyon sa kanyang mukha bago nanggigigil na nagtipa ng reply dito.
Napanguso ako. Hmm... Mina's quite impatient. That's... new.
Reply ni Mina: Ibigay mo na sabi! Hinihingi ni Yzce. May nangyari! Kaya puwede ba? Wala akong oras makipagtalo sa 'yo ngayon.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...