Kabanata 20
Chasin is thinking about me. But I'm not thinking the same.
Mas concern ako sa magiging first impression ng pamilya niya sa akin. Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin kong okay lang sa akin kahit hindi nila ako tanggapin. I badly want to be accepted. I know I said it's too early. Pero dahil nandito naman na kami, mas okay nang sagarin ko na.
Not that Chasin will actually marry me, anyway. Soonest. For him to make me meet his family. Siguro dahil tingin niya iyon lang talaga ang tama. But then...
Nilingon ko ang malaki at contemporary house sa likod ng isang malaking gate. Tumigil ang motor ni Chasin. I saw a guard running towards the gate to open it. Nakayakap ako sa likuran ni Chasin at nakababa ang kanyang mga paa habang hinihintay ang guard. He then, held my hands on his stomach. I stiffened on that.
When the gate opened, he let my hand go and drive again. Ang kaba ko kanina ay mas tumindi nang matantong nandito na kami...
Subdivision din itong pinasukan at kinatitirikan ng bahay nila. Ang mga bahay rito ay sobrang lawak ng mga pagitan. Siguro dahil bago at kaunti pa lang talaga ang mga bumili ng lupa, unlike our subdivision na sobrang tagal na.
His motorbike finally stopped in front of their house. May bigat sa aking dibdib habang bumababa ako at tinatanggal ang helmet...
I am so tensed, worried, and troubled. Nakita kong nahalata iyon ni Chasin. He looked at me darkly as he look for my hand. Hinawakan niya iyon at hindi ako magugulat kung sasabihin niyang sobrang lamig na n'on. Medyo nanginginig pa nga. I swallowed hard.
"Calm down..." mahinahon niyang sabi.
Tumango ako.
He sighed. "Do you want to stay a bit here? So you can calm down?"
Mas mabuti nga yata iyon. Kailangan ko talagang ikalma ang sarili ko, kung hindi, papalpak ako. Baka kung ano pa ang magawa kong nakakahiya sa sobrang taranta.
"First time ko 'to."
"Na?"
"Ipakilala ng boyfriend sa pamilya niya..."
"Tss... your exes were dumbass."
I chuckled but still tensed. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang malamig na nakatingin sa akin. Ngumuso ako.
"Dito muna tayo—" he was cut off.
Bumukas ang double door ng kanilang bahay at nagpakita roon ang nakababatang kapatid niya... still in her pajamas and has a small barbie doll on her arms. If I remembered it correctly, her name is Charlotte. Ang batang sobrang sama ng tingin sa akin kahapon.
"Kuya!"
Bumaba ito sa iilang step at agad niyakap ang kapatid na para bang ang tagal nilang hindi nagkita. The girl then, looked at me again, sharply. Pero kahit ganoon, hindi ko makitaan ng pagkakahawig ang dalawa. O... baka kamukha ng isa ang isang magulang? At ang isa naman ay ang isa?
I remembered Chasin telling me that they are three... at pangalawa raw siya so... may mas matanda pa sa kanya? Babae? Or lalaki? Kinabahan ako nang maisip na babae at baka mas malala pa ang pagtataray nito kay Charlotte.
"Chalotte..." Chasin called in a low cold voice. "I told you to take a shower before I leave..."
Umirap si Charlotte. "Mamaya pa ako maliligo!"
"Dalawang araw ka nang walang ligo."
Nanlalaki ang mga mata ni Charlotte sa isiniwalat ng kanyang Kuya. Pumula ang pisngi niya at napasulyap sa akin, bakas na bakas ang hiya. She groaned and she punched his brother's abdomen before she rushed inside, so embarrassed. Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang ngisi.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...