Kabanata 11

1.3K 41 16
                                    

Kabanata 11



I have never been this triggered all my life. Hindi rin ako kailanman nainggit sa isang babae dahil lang sa lalaking gusto ko.

But all my negative thoughts about this Ara are shaking my world.

"Ah, Yzce. Pasok ka rin sa loob," wika ni Claude na tila nakakaramdam sa akin. "Ibibigay mo rin 'yan kay Chasin, hindi ba?"

Binalingan ko siya, wala sa sarili. I gulped.

"H-Hindi na. Hihintayin ko na lang si Chasin dito."

"Pero puwede kang pumasok," Gene tried to assure me.

Ramdam siguro nila ang pagkagulat ko. Marami akong gustong itanong sa kanila. Sino iyong Ara na iyon? Sino siya? But I still can't. Masiyado pa akong gulantang. At sa dami rin ng iniisip ko, wala akong masabi kahit isa.

Hinila ako ni Mina papunta sa sulok. Naging abala na rin ang tatlo sa mga babae pero patingin-tingin pa rin sila sa akin. I don't know if it's just in my imagination but I saw guilt in their eyes. Bagay na mas lalong gumulo sa isip ko.

"Okay ka lang? Sino 'yong Ara?" Mina asked me, holding my arms tightly.

Umiling ako. "I... don't know."

"Hindi mo kilala? Sino 'yon? Ba't siya pumasok doon sa room? Akala ko ba ikaw lang espesyal kay Chasin, ha?"

Nanlamig ako. Akala ko rin.

"Hindi ko alam, Mina. Ang daming gumugulo sa isip ko."

"Pumasok ka kaya? Girl baka mamaya halikan n'on si Chasin!"

My eyes widened. Mas lalo akong nanlamig sa picture na binigay niya sa akin. Pero hindi ko pa rin kayang pumasok. Mas lalo lang akong natakot. Gusto kong malaman kung sino si Ara pero natatakot akong baka katulad ko rin siya. Na hinahayaan ni Chasin na umaligid sa kanya.

Kung hinahayaan din siya ni Chasin, edi ibig sabihin hindi ako espesyal. Na akala ko, oo!

"Pumasok ka!" bulong ni Mina at bahagya pang tinulak ang braso ko.

Pinilig-pilig ko ang ulo ko. "Ayaw ko, Mina."

"Bakit ayaw mo?"

Hindi ako sumagot. Sinulyapan ko ulit ang pinto, umaasang bubukas iyon at lalabas agad si Chasin pero hindi.

Nagtagal pa ang ilang minuto bago bumukas ang pinto at lumabas si Ara. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglabas ng SDC room. But she wasn't holding the paper back earlier. Ibig sabihin, tinanggap ni Chasin!

Napalunok ako.

"Ayan na. Ikaw naman pumasok." Tinulak ako nang bahagya ni Mina.

I was about to shake my head when Chasin's room door opened again. Lumabas siya, bitbit ang paper bag na bigay ni Ara. Dahil malayo ako, hindi niya ako napansin. Diretso ang tingin niya kay Gene na malapit lang sa pinto kasama 'yong babaeng nagbigay sa kanya ng regalo.

"Malastas, take this..." Nilahad ni Chasin ang paper bag kay Gene.

"Huh? E, hindi ba bigay 'yan ni Ara..." Gene trailed while looking at Chasin.

Chasin was looking at him with sharp eyes. Aligagang kinuha ni Gene ang paper bag mula sa kanya.

"Sa 'yo na 'yan. Sa inyo. Paghati-hatian n'yo," Chasin said coldly as if he doesn't care before he went outside the room.

Namilog ang mga mata ko.

"Sayang naman nito..." Gene said as he took out something from it.

Chocolates!

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon