Kabanata 25

1K 26 1
                                    

Kabanata 25

Isusumbong niya ba ako? Malamang. Ganoon ang gawain niya kahit noong mga bata pa kami. Nasa-satisfy siya every time pinagagalitan ako ni Mamita at hindi ko talaga alam kung bakit.

Barbie was grinning widely as she talked to her friends around the table she was in. Hindi matanggal ang tingin ko sa kanya dahil paranoid ako. Bagaman hindi na siya tumitingin sa akin, may pakiramdam akong ako ang dahilan kung bakit parang nanalo siya sa lotto. Of course! Isisumbong niya ang nakita niya kay Mamita! She would be very pleased if I would get scolded!

Pero sigurado akong hindi niya sasabihin ang tungkol doon ngayong gabi. Bukas, puwede pa. Hindi lang ngayon. Birthday ni Mamita and I know she would not dare ruin her mood.

My thoughts were cut off when I heard the emcee finally calling Mamita to give her speech on the stage. Nag-angat ako ng tingin.

Asuncion Alhambra looked very elegant and classy wearing a baby pink shemi prom lace embroidery evening dress. Puti ang kanyang maikli at may pagka-wavy na buhok. She was all smiles. May spotlight na nakatutok at sumusunod sa kanya habang naglalakad siya patungo sa stage. Ang mga mamahaling earrings at necklace na kanyang suot ay kumikinang. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na kailanman ay hindi ko siya nakitang pangit mula pagkabata.

"Hello... thank you so much, everyone. For attending this birthday of mine. Alam kong busy ang lahat. . ."

Mamita started her speech. Habang nakikinig ay aksidenteng dumapo ang aking paningin sa lamesa nina Chasin. Lamesa nila iyon. Dapat silang pamilya lang ang nandoon. But I saw a woman not part of their family and just my age, sitting beside Chasin. Nag-uusap silang dalawa kaya nagtaka ako lalo.

Yumuko ako at dali-daling kinuha ang aking cellphone sa loob ng pouch ko para i-text si Chasin.

Message:
     Sino 'yan?

After sending it, I quickly turned my head into their direction to see if Chasin would get his phone habang nakikipag-usap sa babae. He did, fortunately. I saw him sliding his hand inside his pocket and taking his phone out while the girl still talked to him.

Nakita ko ang pagtipa niya ng reply at ilang segundo lang ay na-receive ko nga agad ang reply niya.

Boyfriend:
     What?

Ako:
     That girl beside you talking to you. Who's that?

Nag-angat ako ulit ng tingin. Chasin stared at his phone for a second. Then his eyes flew to where I was. Nagtaas ako ng kilay.

A ghost of a smile appeared on his lips before he stoop to reply to me.

Boyfriend:
     I don't know.

Umirap ako habang tinititigan ang message niya. Hindi niya naman pala kilala, ba't niya kinakausap? Wait. Ano naman kung kausapin niya? Bawal na ba kumausap ng ibang babae ngayon, Yzce?

I sighed. Akmang ibabalik ko na ang phone ko sa aking pouch nang mag-vibrate ulit iyon.

Boyfriend:
     Jealous?

Nag-reply ako agad.

Boyfriend:
     Nope. Just curious.

Boyfriend:
     Really?

Ngumuso ako.

Ako:
     Really.

Tiningnan ko ulit si Chasin. Nakayuko pa rin siya at tinititigan ang kanyang cellphone. The girl beside him looks like she wants to talk to him more and get his attention but he's already so drawn on his phone. Nakita kong akmang kakausapin ulit siya noong babae nang magsimula na siyang magtipa ulit para mag-text sa akin.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon