Kabanata 28

1.1K 31 6
                                    

Kabanata 28

Umiiyak na hinila ko si Chasin palabas ng bahay. I am so mad. Kay Mamita at maging sa kanya. Nang makalabas kami ng gate ay saka ko siya hinarap. He quickly pulled me closer to him so he could wipe my tears. Parang wala siyang pakialam sa paninigaw sa kanya ni Mamita at mas concern niya pa na umiiyak ako ngayon.

Hinawi ko ang kamay niya. “I told you!”

“Shh...” tahan niya sa akin.

“Ano ang mga sinabi niya sa iyo?”

“Wala,” tanggi niya.

“I don’t believe you! Ano ang mga sinabi niya?” nanggigigil sa galit na tanong ko.

“Calm down, Yzce. Wala siyang ibang sinabi. Kung ano ang nadatnan mo, iyon lang iyon,” kalmadong wika niya.

Galit akong tumitig sa kanya. Masuyo niyang hinawakan ang aking siko para huminahon ako lalo. Marahas kong pinunasan ang aking mga luha.

“Stop crying...”

“Sorry,” my voice broke. “Sinigawan ka ni Mamita.”

“Sanay na ako.”

Kumunot ang noo ko sa kanya. “I told you Mamita isn’t very nice...”

“Hindi rin naman ako. But I need to talk to her. Ayaw ko ng ginagawa niya sa iyo.”

Lumuha ako ulit. “Hindi ka niya dapat sinigawan.”

“It’s okay. Stop crying.”

“Ako lang dapat ang sumisigaw sa ’yo,” sabi ko.

Natigilan siya at napatingin sa akin. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaksiyon niya. Bigla tuloy gumaan ang atmosphere sa pagitan namin.

“Ikaw lang, huh?” he taunted.

“Joke lang! Pero... sorry talaga. Kay Mamita. Huwag ka na ulit pupunta sa sunod. Ayaw ko n’on. Ayaw kong sinisigawan ka niya. Sa akin, puwede pa. Pero ayoko kapag ikaw...” Umiling-iling ako at hinawakan pa ang mga kamay niya habang malungkot siyang tiningnan. “Mangako ka sa akin.”

“Na?”

“Huwag ka nang pupunta. Hayaan mo na sila kung ayaw nila sa iyo.”

Chasin clenched his jaw. Doon pa lang, alam kong hindi na siya sang-ayon sa gusto ko.

“Chasin!” halos magmakaawa na ako.

He shook his head and closed his eyes. “I can’t promise you that.”

“Bakit?”

He opened his eyes and looked at me directly. “Hindi ko pa nakakausap nang maayos ang Lola mo. I need to talk to her.”

“Pero sisigawan ka lang niya ulit! Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina? Ayaw ka na raw niyang makita—”

“I’m still going to talk to her. Kung ayaw niya akong makita, she’d better stop meddling with our relationship, then,” igting ang pangang katuwiran niya.

Napamaang ako.

“Don’t stop me, Yzce. Dahil hindi ako titigil hanggat hindi ka rin tinatantanan ng lola mo. I’m not mad at her. I’m just frustrated she’s pushing you into that damn Navarro.”

Hindi na ako nakapagsalita. He looked at me. Bigla, naging malamyos ang tingin niya sa akin. Inangat niya ang kamay kong hawak niya at hinalikan ang likod ng aking palad.

“Mali na ba ang desisyon kong ito? Tell me...” aniya.

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan iyon.

“Akala ko ba desidido ka?” nalito ako bigla.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon