Kabanata 18

1.3K 37 21
                                    

Kabanata 18

Be kind and considerate. That's what I always remind myself every time I see Ara inside Chasin's mini office in the SDC room.

Araw-araw siyang nandoon. Walang palya. Lunch man o uwian. Ako na nga ang nakakaramdam ng hiya sa kanya kahit pa ako ang girlfriend. Awkward pa sa akin. Pero hindi niya yata ramdam iyon dahil hindi niya pa naman alam na kami na ni Chasin. Iilan pa lang kasi ang nakakaalam. Ako, si Chasin, si Mina, at si Errol.

Kapag nalaman niya iyon, baka hindi niya na ginagawa pa ang mga iyon ngayon. Which is pabor sa akin na mangyari dahil triggered na triggered talaga ako sa ginagawa niya.

I remember myself being like her back then. Ang araw-araw na pagbisita at pangungulit kay Chasin. Ang paghahanap at pag-iisip ng dahilan para lang makausap ito. Ang pagdadala ng mga pagkain. Nati-trigger ako at naiisip na... what if mahulog din si Chasin sa kanya? That's what all I did was kaya girlfriend na ako ni Chasin ngayon. What if makakita si Chasin ng mga katangian sa kanya na mas better pala sa akin? Napapa-overthink ako.

Hindi sa mababaw ang tingin ko sa nararamdaman ni Chasin sa akin kaya ako nag-aalala. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang mga negatibong bagay.

But despite all of those selfish thoughts, I kept choosing what I knew was... right. Be kind to her and consider her feelings. She's fragile like a freaking glass. Pakiramdam ko kapag nasaktan siya, magi-guilty ako. Alam kong parte naman talaga iyon ng buhay pero... ayoko sanang ako ang magsabi. Besides, I feel like mag-iisip siya ng masama kapag ako ang nagsabi.

"Hinihintay mo rin ba si Chasin?"

Ara flinched and turned her head to me. We were both sitting on the chairs in front of Chasin's table. Magkaharap kami at parehong tahimik na hinihintay si Chasin.

Ganito lagi ang ganap araw-araw. And it's always awkward.

"Ahm, oo," parang nag-alinlangan pa siya sa sagot.

"Bakit?"

She smiled at me shyly. "Magpapaturo sana ako sa math..."

Magpapaturo sa math... pinilig ko ang ulo ko saka tumango.

"Ikaw? Bakit mo siya hinihintay?" she asked.

Kamuntik na akong matawa. At the same time, that question made me realize na... ang layo ko na pala. Dati kailangan ko ng rason para makita si Chasin. Ngayon, hindi na. What else am I here for? Chasin's my boyfriend and it's natural for me to come here because of that.

"Wala lang. I like Chasin, you know?"

She only blinked.

"Ikaw? You like Chasin too, right? Why do you like him?"

"Uh..."

Ngumisi ako. "It's okay. Tayo-tayo lang naman ang makakaalam."

"Sinagip niya ako noong... muntik na akong tumalon sa rooftop."

Namilog ang mga mata ko.

Yumuko siya. "Siya lang ang tumulong sa akin. Kahit... sabihin nating hindi niya naman talaga intensiyon na tulungan ako noong mga panahong 'yon, sa kanya ko lang nakita ang pag-asa. He gave me hope to live... kaya... simula n'on, pinangako ko sa sarili ko na mabubuhay ako dahil nandiyan naman siya... That's why I like him..."

Hindi ako nakaimik, gulat at hindi makapaniwala. She really... did that?

"I'm sorry. I didn't know you were experiencing something bad..." parang may bumara sa lalamunan ko nang maisip ang lahat ng panghuhusga ko sa kanya.

She shook her head and smiled wearily. Doon ko lang nakita ang lungkot sa mga mata niya. My lips parted.

"Si Chasin na lang ang pag-asa ko kaya Yzce... puwede bang ibigay mo na siya sa akin?"

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon