Kabanata 14
I did bring Errol with me. Naisip ko kasing wala naman ngang masama kung isasama ko siya at masusunod ko pa ang utos ni Mamita. Of course, I asked Tientze first if it was okay and when he said yes, saka lang ako nagsabi kay Errol.
Sinabi na rin sa akin ni Tientze ang buong plano nang magkausap kami. Iisang van na lang daw ang ggagamitin namin papunta sa hot spring resort para sama-sama na at hindi na magkawalaan pa. And because we are going to use one van, in-inform niya na rin kaming dalawa ni Mina kung saan ba ang meet up at anong oras. Van terminal at 6pm sharp.
Habang nag-uusap kami, hindi ko maiwasang hindi ma-excite. Pero kapag naiisip ko namang kasama si Ara, medyo nawawala iyon.
"Sigurado ka na bang isasama mo 'yong Errol?" Mina asked when she called me Friday night.
"Oo. Alam mo naman kung bakit..."
"I'm just worried. Baka magselos bebe mo niyan."
Halos mabilaukan ako sa iniinom kong buko juice dahil sa sinabi niya. Natawa ako at inilingan ang kaniyang ideya.
"That's impossible, Mina."
"Hmm... oo nga. Wala pala sa itsura ng delulu boyfriend mo ang magselos."
Mas lalo akong natawa.
Ang sarap pakinggan sa tainga na sinasabi ng ibang boyfriend ko si Chasin. Madalas kasi, ako lang ang nagsasabi n'on kahit hindi naman talaga totoo. Pero naniniwala iyong iba kasi lagi nga naman kaming nakikitang magkasama ni Chasin.
"See you! Sana walang mangyaring masama bukas..." she mumbled.
"Bakit naman may mangyayaring masama?"
Matagal bago siya nakasagot. "You know? Ara? She might do something terrible that would make you upset. Baka sugurin mo siya."
Natawa ako. "As if. I won't let her do anything."
Kinabukasan, saka lang ako nag-prepare ng mga gagamitin ko at nag-pack ng mga damit. Dalawang gabi lang naman 'yon pero isang may kalakihang duffle bag talaga ang balak kong dalhin dahil bukod sa mga damit, swimsuit, at two big towels, siyempre nagdala ako ng mga panligo ko at sa pag-aayos.
Alright. Halos dalhin ko lahat ng gamit ko sa kuwarto ko. Kaya rin hindi ako sanay na mag-sleep over sa ibang bahay dahil dito. Matagal na kaming magkaibigan ni Mina pero dalawang beses pa lang yata akong natulog sa kanila. Siya kasi ang madalas matulog sa bahay.
When the night came, I was already done preparing. Nakaligo na rin ako at nakabihis.
I wore wide-legged high waist white trousers, and a black croptop beneath my pink nude blazers. Nag-sandals na lang din ako na puti bago binitbit ang pink kong duffle bag palabas ng bahay. Nag-taxi ako papunta sa terminal at pagdating ay si Mina pa lang ang nandoon. Nagulat ako.
"Boys..." she rolled her eyes.
Nagtawanan kami. Ilang minuto lang ay dumating si Ara na naka-white dress. Natahimik kaming pareho ni Mina. We didn't talk to her even though I knew we should. Ine-expect kong kakausapin siya ni Mina but my friend did not either. Naisip ko tuloy kung si Ara ang naabutan ko. Ang awkward siguro lalo n'on.
Halos ten minutes yata ang lumipas bago isa-isang nagsulputan ang mga lalaki. Nauna lang nang kaunti si Errol. Mabuti na lang dahil nakakahiya naman kung na-late pa siya.
"Hi! Errol Navarro..." Nakipagkamay si Errol isa-isa kina Gene.
Nagpalingalinga ako sa paligid. Si Tientze at Chasin na lang ang hinihintay namin. May dalang isang babae si Claude na pinakilala niya sa aming si Matere. She's familiar to me, though. Parang nakita ko na siya kung saan. Hindi ko lang maalala.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...