Kabanata 9

1.2K 49 8
                                    

Kabanata 9

"How's your date with Errol?" Mamita asked the next morning while sipping on her coffee.

Alas sais y media pa lang ng umaga. Nakapag-prepare na ako para pumasok sa school nang pinatawag niya ako ngayon dito sa lanai para tanungin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi naman talaga si Errol ang ka-date ko.

"Interesado ba siya sa iyo?"

I bit my lips.

Alam kong si Errol ang tinutukoy niya pero hindi ko maiwasang maisip si Chasin. Interesado ba sa akin si Chasin? Hindi ko alam. Pero siguro hindi. Although he's nice towards me, I don't want to assume things because I might end up getting disappointed.

Natural na malamig si Chasin. Hindi iyon nagbabago kahit ako ang kausap niya. Hindi rin naman ako umaasa na magbabago iyon dahil iniisip kong ganoon na talaga siya.

Kahapon, nagpunta naman kami sa parke para tumambay. Sakto namang hindi masiyadong maaraw. Naupo kami roon habang kumakain ng ice cream. He was so silent but his cold eyes were always on me. Ilang na ilang ako kahit na nagtataka kung bakit siya tumititig sa akin.

"May dumi ba sa mukha ko?" Nahihiyang tanong ko na.

Siguro dahil hindi ako sanay na tumititig siya sa akin kaya ako nahihiya. Hindi ako prepared.

Nag-iwas lang ng tingin sa akin si Chasin at hindi nagsalita.

Nakita kong siya ang may ice cream sa gilid ng labi. Umusog ako palapit. Itinaas ko ang kamay ko at inilapit sa kanya para punasan 'yon pero nakita niya ang balak kong gawin kaya umatras siya at pinangunutan ako ng noo.

I chuckled nervously. "May ice cream ka sa may labi mo."

Tinuro ko ang sarili kong mukha kung saan nakalagay ang ice cream sa mukha niya. Akala ko kikilos na siya at pupunasan 'yon para hindi na ako ang gumawa. But he did not move. Nanatili siyang walang kilos at tumitig lang sa akin.

Suminghap ako at ako na mismo ang nagpunas n'on. Titig na titig siya sa akin. Hindi umangal. Nagulat ako.

"Okay ka lang?" natatawa pero kabadong tanong ko.

"Yes."

Lito ko siyang pinagmasdan. Tahimik siyang tumuloy sa pagkain ng ice cream hanggang sa nalagyan na naman ang gilid ng labi niya.

"Nalagyan ulit. Dito..." turo ko ulit sa mukha ko.

Nilingon niya ako at mataman lamang na tiningnan.

"Nalagyan ulit..." sabi ko ulit dahil baka hindi niya ako narinig.

"Remove it for me, please..."

Namilog ang mga mata ko. "H-Huh?"

"Paki tanggal," malamig na sabi niya.

Gusto kong magmura pero pinigilan ko ang sarili ko. I reached for his mouth again with trembling hands. My heart was throbbing fast. Mas lalong nanginig ang kamay ko nang nagbaba siya ng tingin roon at pagkatapos ay tumingin sa mga mata ko.

Shit! God knows how much I stayed focused even though I was extremely distracted.

Mabilis lang naman ang pagpunas pero natagalan dahil sa panginginig ko. Kanina naman hindi ako kabado pero dahil sa paninitig niya, hindi na ako makakilos nang maayos.

Halos mapatalon ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at siya na mismo ang gumiya n'on palapit sa bibig niya. His intense eyes remained looking at me as he did that. Mas lalo tuloy nagwala ang puso ko.

"W-Wala na..." sabay layo ko sa kanya.

He nodded and continued eating his ice cream like nothing happened. Samantalang ako, kinailangan ko pang huminga nang malalim nang tatlong beses para umayos ang paghinga ko. I didn't realize I was not breathing while wiping his mouth!

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon