Kabanata 19

1.2K 43 2
                                    

Kabanata 19

That is so freaking impossible. How old is Chasin? 17? Tapos sinasabi ng batang ito na anak siya nito?

Humagalpak ako sa pagtawa. Nanatili naman ang salubong na kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Kung ikaw ang anak, ako naman ang asawa," ngingisi-ngising sabi ko.

Her eyes widened.

"Alright. Alright. 'Yong totoo? Paano mo nakilala si Chasin, hmm?" I asked as I squat a bit so we could level.

"I'm his daughter!"

Ngumiwi ako.

Bumukas ang pintuan at niluwa n'on si Chasin. His eyes immediately found this kid in front of me. Malamig niya itong tiningnan. Umayos naman ako ng tayo at nilapitan si Chasin para agad magpaliwanag kung paanong may bata dito sa loob ng mini office niya.

"Pagpasok ko, nandito na siya..."

"It's okay. I know her."

Natigilan ako. "You do?"

"Chasin!" the girl called and she ran towards him.

Niyakap nito si Chasin habang masama pa rin ang tingin sa akin. Para bang inaway ko siya o inagawan ng pagkain. Napakurapkurap ako.

"I told you not to come here..." anang Chasin sa batang babae.

Isang masamang tingin pa ang iginawad ng bata sa akin bago nito tiningala si Chasin. Abot tiyan lang siya nito.

She's wearing a white sando, pink leggings, and a light blue skirt. Naka-white shoes siya at may cute na pink headband sa ulo. Kikay na kikay ang dating niya kaya kung sinasabi niya mang anak nga siya ni Chasin, na imposible na ngang mangyari dahil anong edad pa lang nito, mas lalo pang naging imposible dahil wala silang pagkakahawig ni katiting.

"I got so bored in our house! Alexia doesn't want to play with me!"

"Go home."

"What!"

Iniwan ni Chasin ang bata. Naglakad siya patungo sa lamesa at inayos ang ginulo at kinalat ng bata roon.

"I don't want to go home! I'll die in boredom there!" Parang nagta-tantrums na sabi ng batang babae.

Chasin ignored her.

Napatingin sa akin ang bata. "And who is this bitch anyway?"

Namilog ang mga mata ko. Bitch?!

"Charlotte!"

Malalaki ang hakbang ni Chasin na nilapitan ito. Then he grabbed her ears and pulled her towards the door. Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. Sinubukan ko agad lumapit lalo na't sumisigaw si Charlotte. Sigaw na nagrereklamo.

Nang makita ni Charlotte ang akmang paglapit ko ay pinandilatan niya ako at pinanlisikan ng mga mata. Napatigil ako agad, naguguluhan na.

"Ouch! Ouch! Chasin!" Charlotte wailed in a very stagey manner.

"Go home. I'll call your mother."

"No!"

Tuluyan nang nailabas ni Chasin ang bata. Walang pakialam na sinaraduhan niya ito ng pinto kapagkuwan ay bumuntonghininga at umiling. Napakurapkurap naman ako, natutulos sa kintatayuan. Nagugulat at naguguluhan.

"Sorry for that."

"S-Sino 'yon?"

"My sister," aniya at naglakad na ulit palapit sa kanyang lamesa para mag-ayos.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon