Kabanata 33

1.2K 39 6
                                    

Kabanata 33


Tumulala si Mama sa harapan ko habang ako, patuloy sa pag-iyak. Suddenly, the door behind her opened. Lumabas roon si Mamita na nagtaka agad sa nangyayari.

“What is happening here...”

I cannot help but to glare at her immediately.

Sobra-sobra ang galit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kaunting kibot na lamang ay masasampal ko siya. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili sa takot na mas matanda pa rin siya sa akin. Na maaaring hindi tama.

“Wala ito, Mama...” mahinahong sabi ni Mama. “Nagkaka-anxiety lang si Yzce dahil sa grades niya.”

Napasinghap ako at napatitig kay Mama. She did not look at me.

“Oh... ganoon ba...” Mamita smiled at me. “Don’t worry about your grades na, hija. Now that you have Errol, you should not worry about anything else aside having him fall for you.”

Bitch!

“Ayokong magpakasal kay Errol,” mariing saad ko.

“What?” Her smile slowly disappeared.

“Ayokong magpakasal sa kanya o kung ano pa man. May boyfriend ako at—”

“Hindi mo pa rin hinihiwalayan ang lintek na ’yon?”

“Bawiin mo ang sinabi mo!” galit kong sambit. “Ikaw ang may pakana ng lahat! You... You framed me and Errol! Pinalabas mong may nangyari sa amin kahit ang totoo, wala naman talaga! Nag-utos ka ng mga katulong para dalhin si Errol sa kuwarto ko at hubaran kami! Then you waited early in the morning para maaktuhan ang lahat!”

Mamita’s eyes widened. “A-Anong... Sinong nagsabi sa ’yo niyan?!”

“So it’s true?!”

Namula si Mamita sa galit. Nilingon niya si Mama nang may matalim na tingin. “Inaakusahan ako ng anak mo!”

“No! Stop lying! Totoo ’yon, hindi ba? Ginawa mo ’yon! You’re a cheap old woman!”

“WHAT?!”

“Masiyado kang marumi kung maglaro! Kaya siguro iniwan ka ni Lolo!”

“Yzce! Tama na!” saway ni Mama.

“No, Mama! Kaya kong pagtimpian ang lahat ng kagaguhan niya pero hindi na ngayon!”

“Shut up, Yzce!” si Mama.

“Sumosobra na siya! I almost went crazy thinking about it! Na I cheated sa boyfriend ko! Tapos hindi naman pala totoo! Gawa-gawa niya lang ang lahat! She’s evil! I can’t forgive her!”

Pagkatapos kong sabihin iyon, marahas na akong hinila ni Mama palayo. Hindi pa ako tapos ngunit sa palagay ko’y sapat na iyon.

“Hindi mo na dapat ginawa iyon!” mahinahon ngunit mariin na sabi ni Mama nang makapasok na kami sa loob ng aking kuwarto.

“What, Ma? Kinakampihan mo siya?”

“Lola mo pa rin siya—”

“Lola pa rin?! Bakit, Ma? Tinurin niya ba akong apo? Alam mo ba kung gaano kasakit ang mga salitang binibitawan niya sa akin tungkol sa iyo? Pinagtiisan ko lahat ng iyon mula pagkabata! At hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago!”

Mama sighed.

“Patanda nang patanda pero paurong kung mag-isip!”

“Yzce—”

“No, Ma! For once, please... ako naman ang kampihan mo...” Humikbi ako sa sobrang sakit. “Lagi na lang si Lola... a-ano ba ang mapapala mo sa gan'on? Daddy is already dead! Kung hindi ka tanggap ni Mamita, so be it! Ako ang anak mo... Ako ang kadugo mo. Sa akin ka dapat kumakampi! Pinagtatanggol mo dapat ako!” umiiyak na wika ko.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon