Kabanata 5

1.4K 42 1
                                    

Kabanata 5

"Mina, hindi muna ulit ako makakasama sa 'yo mamayang uwian, ha?" maingat na sabi ko sa kaibigan.

Hindi ako sigurado kung naintindihan niya ba ang sinabi ko pero tumango siya habang abala sa pakikipag-chat sa kung sino.

Kanina pa siya ganiyan. Hindi ko naman matanong kung sino ang ka-chat niya dahil magkukuwento naman siya nang kusa kung gusto niyang sabihin. I just hope that she's not flirting or what... strict kasi ang parents niya. Especially her Mom. Ayaw nitong mag-boyfriend siya hangga't hindi nakakapasok ng med school.

Balak ko ulit magpunta sa Disciplinary Committee room mamayang uwian kaya nagsasabi na ako ngayon sa kanya. I thought she would be suspicious pero angel in disguise na rin ang pagiging abala niya ngayon.

"Bye, Mina. Take care..." I kissed her cheeks.

"Ba-bye din!" Nakatuon pa rin ang tingin niya sa ka-chat.

Napanguso ako. I tried glancing at their conversation pero napansin niya iyon. She immediately put her phone down. She kissed my cheeks too just like what we always do. Ngumiti na lang ako.

Maybe it's just so important. I shouldn't be overthinking. Isa pa, buhay niya naman 'yan. I'm just here to guide her.

Nagpakawala ako ng tatlong katok sa pinto ng S.D.C room. I don't know if I'm still allowed to visit but I brought a box of cupcakes with me para kunwari ay gusto ko lang silang dalhan. But the truth is, si Chasin talaga ang pakay ko.

My cheeks flushed thinking that I now want to be with him everyday. Pero wala namang masama roon, hindi ba? As long as he doesn't push me away.

"Good afternoon, Yzce!" Claude welcomed me.

"Nasaan 'yong iba?" Nagtatakang tanong ko dahil siya lang mag-isa ang nakaupo sa sofa.

I walked towards him and put the cupcakes on the coffee table. Bumangon siya at agad na binuksan ang box.

"Woah! Cupcakes!" Kumuha siya ng isa bago ako sinagot. "Umalis sila. Maglilibot para mag-observe."

Tumango-tango ako. "E, si Chasin? Sumama ba?"

Napunta ang tingin ko sa pinto ng office ni Chasin. Pagbaling ko kay Claude ay nakita ko ang pag-iling niya bagaman ang atensiyon ay nasa kinakain.

"Nope. He's inside."

I bit my lips. Gusto ko nang pumasok pero nakakahiya namang basta ko na lang iwan nang mag-isa si Claude dito. But it seems like he knew what I wanted to do. He waved his hands at me as if he was dismissing me already.

"Sige na. May gagawin din ako..."

Napangiti ako. "Thank you!"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kumuha na lang ako ng dalawang cupcake pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kuwarto. But as soon as I came in, nakita ko rin agad siyang nakaupo sa kanyang lumang swivel chair, nakapikit. I thought he was only closing his eyes pero nakapasok na ako't lahat, hindi siya dumilat.

Kinagat ko ang aking labi nang may matanto. He's asleep. Should I just leave na lang? Balik na lang ako bukas?

Pero sayang naman ng pinunta ko rito. Hintayin ko na lang kaya siyang magising?

Napatitig ako kay Chasin habang nag-iisip. Hanggang sa kusa na lamang kumilos ang katawan ko para tahimik at maingat na maupo sa kanyang harapan—sa puwesto ko rin kahapon. Ingat na ingat ako, takot na magising siya. I feel like he's going to throw me out if I wake him up.

Nilapag ko rin ang cupcake sa lamesa kapagkuwan ay nagpangalumbabang tumitig sa kanya. While staring, I couldn't help but to pout.

This man right here has the right to be over confident to himself. He just looks so perfect...

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon