Kabanata 21
"So, you are one of Asuncion Alhambra's granddaughters?"
Nasa hapag na kami ngayon, kasalukuyang kumakain. Mula kay Charlotte na hindi ako tinitigilan ng masamang tingin, binaling ko ang aking tingin sa Mama ni Chasin. She was all smiles and seemed interested in me. Medyo kabado pa rin ako pero hindi na katulad kanina.
I smiled shyly and nodded. "Opo."
"Kaninong anak?"
"Kay uh... Mark Samante po..."
"Oh!" Parang napaisip ito saglit pagkatapos ay tumango-tango.
Naramdaman ko ang pagpatong ng isang kamay sa aking hita. Kamuntik na akong mapatalon doon. I immediately turned my head to Chasin and saw him drinking water. Umiinom siya at parang balewala ang pagpatong ng kamay niya sa hita ko. It's like he was only resting it.
I bit my lips. Mahaba ang bestidang suot ko at natatakpan n'on ang hita ko ngunit ramdam na ramdam ko ang init ng kamay ni Chasin.
"Magkaklase kayo ni Chasin?" Tanong naman ng papa nito.
"Hindi po. Ahead po siya sa akin ng isang taon..."
"I see..."
Tumikhim si Chasin. "She's an achiever unlike Zachiro's..."
"Damn you." si Zachiro.
"Wala namang kaso 'yon..." Anang mama nila at ngumiti sa akin. Nilingon nito si Chasin. "Achiever or not, that's fine. Basta mabait, maalaga, at mapagmahal..."
Bumuntonghininga ang papa nila. "I can't believe both of you are now grown ups. May mga girlfriend na kayo. Next time, Zach, isama mo naman si Jewel dito. Para kumpleto tayo..."
"Yes, Pa."
"Pero huwag n'yo muna kaming bibigyan ng apo, please. Masakit pa rin sa ulo itong si Charlotte." Humalakhak ito.
"Dad!" si Charlotte.
My cheeks flushed in embarrassment. Wala naman kaming ginagawang kababalaghan ni Chasin pero nahiya ako sa sinabi nito. Napatingin ako kay Chasin at nakitang mataman lang siyang nakatingin sa kanyang ama.
"Wala pa sa plano ko 'yan," si Zachiro.
"That's great."
"Tamang edad muna at maging successful, anak..." their mother said.
"And marriage first," pahabol ng kanilang ama.
Nagpatuloy ang pagkain namin and each passing time, mas lalo kong nakikilala ang boyfriend ko. Iniisip ko noon na kaya lang siya malamig at distant sa school dahil hindi niya kami lubusang kilala. It turns out, he's also like that with his family. Malamig, tipid magsalita at kung magsasalita man ay napaka-straight forward.
Talagang personality niya ang pagiging ganoon. And it amused me more.
At sa bawat detalye ring nalalaman ko tungkol sa kanya, parang mas lalo akong nahuhulog.
Pero sa totoo lang, dito pa lang sa pamilya niya, bagaman binabara ako madalas ni Charlotte kapag nagsasalita ako, hulog na hulog na ako, e. Mababait ba naman—except kay Charlotte—at masaya kausap.
Lahat ng mga in-overthink ko kagabi, walang tumama kahit isa.
Never did I once feel out of place. They always include me in their topics and they even invited me na sumama sa bakasyon nila pagdating ng May. I was just so grateful...
Muntik na nga akong maiyak sa sobrang saya habang pasimpleng umiinom ng tubig at tinititigan si Chasin. Parang tinutunaw ang puso ko. I feel overwhelmed. Pinigilan at kinalma ko lang ang aking sarili dahil nakakahiya naman kung bigla na lang akong umiyak. Baka isipin pa nilang baliw ako.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...