Kabanata 13
"Sino ba 'yong Ara na 'yon? Hindi mo pa ba natanong si Chasin about her? Kaibigan ba nila?" Sunod-sunod na tanong ni Mina pagkalayong-pagkalayo namin sa SDC room.
Hindi ko alam kung bakit naririnig ko ang iritasyon at gigil sa boses niya. Para bang mas apektado pa siya kaysa sa akin.
We already left. Hindi ko na nahintay pa si Chasin dahil hindi ko nakaya ang tensiyon sa pagitan naming dalawa ni Ara. It seems like the boys noticed it too kaya hinayaan na lang nila kaming makaalis without questioning us.
"Hindi pa, Mina. I forgot..."
"God!"
Sinulyapan ko siya. Panay ang irap niya kanina pa kaya napakunot ako ng noo.
"Okay ka lang?" Imbes na ako ang tanungin niya ng ganoon ay siya pa ang tinanong ko.
"Of course, I'm okay!"
I sighed.
"How did you forget something important, Yzce? Itanong mo na kay Chasin kapag nagkita ulit kayo. At... Sasama pa ba tayo sa swimming?" Nalilitong tanong niya.
May parte sa aking ayaw na. But Chasin's going to be there so as Ara. Hindi puwedeng wala ako. Paano ko babantayan si Chasin? Babakuran? Iniisip ko pa lang na may gagawin sila nang wala ako ay umiinit na ang ulo ko.
I need to be there!
Hindi ako makatulog sa gabing 'yon kaiisip ng tungkol kay Ara. I was really bothered by her presence. Bigla na lang siyang sumulpot. Sino ba siya?
Kinabukasan, nandoon na naman siya. Mina and I immediately looked at each other after seeing her.
"Good afternoon, girls! Upo kayo..." alok ni Claude.
Naupo agad si Mina sa tabi ni Ambrose na para bang nakikipag-unahan kung kanino. Tahimik naman na nakatayo si Ara malapit sa sofa. Hindi ako naupo. I just stared at her. Nakita kong napansin niya ang titig ko at hindi siya makatingin sa akin pabalik.
That's it. Ma-intimidate ka!
"Si Chasin?" gaya ng palagi kong tanong kapag pumupunta ako.
"Nasa loob," ani Gene.
"Can I come in?"
Hindi ko naman tinatanong iyon dati dahil kusa na lang akong pumapasok doon pero simula nang dumating itong Ara na ito, nagbago na lang lahat bigla. I feel like I need to ask now. Hindi ko alam kung connected ba sa kanya iyon o ano.
"Uh, hindi ko alam. Hindi pa yata puwede—" nabitin ang sinasabi ni Gene.
Lumabas kasi ng room si Chasin. His cold eyes looked around to the people here on the sofa. Ara immediately stood up.
"Chasin—" she called.
"What are you doing there?" Salubong ang kilay na tanong ni Chasin habang nakatingin sa akin.
Nalito ako. "Huh?"
Napatingin muna ako sa mga taong nasa sofa tulad ko at kay Ara. I had to make sure twice that he was talking to me and not to Ara before I stood up. Nalilito akong lumapit.
"Bakit?" tanong ko.
"Why aren't you coming inside?" he whispered to me in a soft tone while looking at me with confused eyes.
Umawang ang aking labi. Napasulyap ulit ako kay Ara na ngayon ay napapahiyang nakatingin sa sahig. Gusto kong maawa sa kanya. Sigurado kasi akong kanina pa siya naghihintay kay Chasin. Naghihintay na makapasok. Pero hindi ako dapat maawa. Paano kung siya pala ang kinausap ni Chasin at hindi ako? Edi, ako ang napahiya!
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...