Kabanata 15
Hindi ko nahanap si Chasin at Ara kaya badtrip ako nang bumalik sa cottage. Nagpalakad-lakad na ako sa buong resort. Nang hindi ko sila nakita, in-expect kong nasa cottage na sila. Pero pagbalik ko, wala pa rin.
"Okay ka lang?" Tinapik ako ni Mina nang mapansin niyang tahimik na ako kanina pa.
I looked up at her and made a fake smile before nodding. "Yeah."
Maingay sa loob ng cottage dahil sa lakas ng pagpapatugtog ni Ambrose gamit ang dalang speaker. Kanina pa nagrereklamo si Mina dahil doon pero tila walang pakialam ang lalaki. Ako naman, hinahayaan ko lang para hindi ako masiyadong mapansin ng iba na wala sa mood.
I kept on spacing out. Hindi na ako makapag-focus kahit inalok na ako ng pagkain ni Matere.
"Busog pa 'ko..." sabi ko kahit na ang totoo ay gutom na gutom na ako.
I just don't have the appetite to eat.
"Where did you go, bro?" I heard Errol said.
Napalingon ako at nakita ko si Chasin na kadarating lang. Napakurapkurap ako. Hinanap ko agad si Ara sa likod niya pero mag-isa lang siya.
Chasin ignored Errol like he usually does to everyone. Naglakad siya palapit sa lamesa na puno ng pagkain ngayon. Our eyes accidentally met when he was getting two plates. Natulos ako dahil hindi ko inaasahang titingin siya sa akin. Iiwas dapat ako ng tingin dahil may kung anong bumabara sa lalamunan ko pero nauna siyang nag-iwas.
I was confused but I became more confused when he started walking toward me while holding the plates. My heart raced.
Alam kong marami akong tanong sa isip ko gaya ng saan siya galing at kung magkasama ba sila ni Ara... pero nagawa ko pa ring tumayo para salubungin siya. I just couldn't ignore him even though my heart wanted to.
Galit ako dapat e. Iritado at badtrip. But what's happening? Makita ko lang siya at bibigyan niya lang ako ng plato, um-okay na ako?
May biglang bumundol sa likod ko at kasabay n'on ay ang narinig kong boses ni Errol mula sa aking likuran...
"Kumain ka na, Yzce? Tara!"
Napalingon ako kay Errol. Nagulat ako dahil bumungad sa akin ang hubad niyang katawan na mamasa-masa pa dahil kagagaling niya lang sa pool. May hawak siyang isang plato na may laman nang pagkain. He was giving it to me.
"Heto. Sinandukan na kita."
"Ah, hindi na..." Umiling ako at nilingon si Chasin.
Chasin stopped midstep while looking at us. Nginitian ko siya para i-encourage na lumapit sa akin pero imbes na gawin iyon ay lumiko siya ng lakad, igting ang panga. Nawala ang ngiti ko. Nalito ako. Gusto ko siyang puntahan pero nasa harapan ko pa si Errol.
"Anong hindi na? Sa 'yo na 'to!" Errol said.
Tiningnan ko siya. "B-Busog pa 'ko—"
"Sus. Sige na! Eto... hawakan mo." Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak na ang plato. Then he smiled. "Kukuha lang ako ng akin. Babalikan kita, okay?"
Awang ang labi ko. Nalilito sa dapat gawin.
Muli kong sinulyapan si Chasin at nakitang nakatingin na naman siya sa akin. When he saw me looking, he sneered. Nakita kong binigay niya 'yong isang plato kay Tientze na nalito.
"Hindi pa 'ko kakain!" Ani Tientze pero hindi na siya pinansin nito.
When Errol came back, he never left my side. Okay lang naman sa akin iyon. Naiintindihan ko dahil ako lang naman talaga ang kilala niya rito. Kaso lang hindi ko na kasi malapitan si Chasin because every time I try, kinakausap ako ni Errol kaya hindi natutuloy ang plano ko.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...