Kabanata 8
Mabilis magpatakbo ng motor si Chasin. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon o isusumpa. Ipagpapasalamat dahil napayakap ako mula sa likod niya nang wala sa oras. And I got an opportunity to smell his manly perfume. Pero isusumpa rin dahil pakiramdam ko'y lumagkit bigla ang mukha ko pagtigil niya ng kanyang motorbike.
"Grabe. May ibabagal pa ba 'yong pag-drive mo?" Natatawang sabi ko habang binibigay sa kanya ang helmet.
Mabuti na lang may dala akong wet wipes. Iniisip kong bago kami pumunta ng Arcade ay magre-restroom muna ako para makapag-retouch.
Chasin only glanced at me before he took the helmet. Isinabit niya iyon sa handlebars. Medyo nag-alala ako habang tinitingnan ang motor niya. Hindi kaya mawala ito bigla?
Bali-balita pa naman na may tumatangay ng mga motor ngayon dito sa centro. Napaka-gara tingnan ng motor niya. Siguradong ito agad ang makikita ng mga magnanakaw. But... Chasin's not stupid to allow it, right?
Iniisip ko pa rin iyon habang papasok kami ng mall. Nahihiya naman akong magsabi kay Chasin.
"Chasin, puwedeng mag-restroom muna ako?" sabi ko.
Napatingin siya sa restroom na nasa harap namin saka tumango. I smiled.
"Mabilis lang ako. Dito ka lang," saka ko siya iniwan.
Walang masiyadong tao sa girl's restroom kaya mabilis akong nakapag-retouch. Ayaw ko rin namang paghintayin si Chasin kaya binilisan ko talaga at baka pa kapag lumabas ako ay wala na siya roon.
Paglabas ko ng restroom, medyo nakahinga ako nang malalim dahil nandoon pa rin siya. Naglakad ako palapit. Pero unti-unting bumagal ang lakad ko nang matantong may magandang babae ang nasa harap niya. The woman, who I think is just my age, was smiling while talking to him.
"May kasama ka ba?" I heard the woman said in a flirt tone.
Nakalapit na ako. Chasin noticed me immediately. Tumingin siya sa akin at kitangkita ko ang iritasyon sa mga mata niya. Nagulat ako. Hindi naman ako masiyadong natagalan, bakit siya irita?
"Sorry, natagalan..." Sabi ko na lang.
The woman in front of him went silent. Nakatingin siya sa akin na para bang iniisip kung sino ako. Nagtaas ako ng kilay at tiningnan din siya pabalik, nagtatanong kung sino din siya. Ni-head to foot ko rin siya.
"Who is she?" hindi ko napigilang magtanong kay Chasin.
"I don't know," sagot ni Chasin.
"Hindi mo kilala?" Paniniguro ko.
Chasin only looked at me coldly. Para bang naiinip na siya sa pagtayo lang namin dito. Binalingan ko ang babae na nakatitig na ngayon nang malagkit kay Chasin. Para bang hindi ako nito nakikita sa tabi ng lalaking tinititigan niya. Wala naman akong karapatan pero nairita ako.
"Anong kailangan mo sa boyfriend ko, Miss?" mataray na sabi ko na.
Napatingin sa akin ang babae. She blinked twice. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.
"Boyfriend?"
"Yes," mariing sabi ko.
"Sorry, I thought he's alone."
"Well, he's not." I possessively encircled my arms around Chasin's.
Uminit ang pisngi ko sa ginawa. Sinulyapan ko si Chasin para makita kung magagalit ba siya pero wala siyang reaksiyon. Malamig lang siyang nakatingin sa babae na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
"Sige, sorry miss..."
Napairap ako pagkaalis ng babae. Tinanggal ko ang braso ko kay Chasin at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...