Kabanata 7
My mother used to tell me when I was about six or seven years old that if others could accomplish it, then I could too. I used to believe that, but when one of my junior high school classmates suffered depression, she helped me realize it doesn't apply to everyone.
Kung 'yong ibang tao, kayang lampasan ang problemang iyon, may iba rin na hindi.
There are strong people but there are also weak ones.
That's what people these days don't understand. Hindi lahat ng tao, kasing lakas mo. May kanya-kanya tayong limitations sa buhay....
I slowly put a red liptint on my pale lips. Nakaupo ako ngayon sa harap ng vanity table ko habang tinitingnan ang aking sarili sa salamin. I have long black wavy hair na palagi kong pinaplantsa bago pumasok sa school. But today is a different and special day so I wanted to be as natural as I can. I wanted to be who I truly am. So I let my wavy hair the way it is.
Hindi rin ako naglagay ng makapal na make-up. Kaunting foundation, blush at liptint lang, okay na.
I let out a heavy sigh while smiling after staring at myself. I feel nervous at the same time excited.
"Ms. Yzce, pinatatawag po kayo ni Madam sa sala..." Sabi ng isang katulong matapos kumatok sa aking kuwarto.
Tumayo ako agad at lumabas ng kuwarto. Pagbaba ko sa unang palapag at sa sala naroon nga si Mamita. Akala ko ay may iuutos lang siya sa akin pero nang makita kong kasama niya si Errol doon ay unti-unting bumagal ang lakad ko. Errol immediately saw me. Dahil doon kaya napatingin na rin sa akin si Mamita.
"Where are you going?" tanong ni Mamita nang mapansin na bihis na bihis ako.
"I'm going out with my friends po..." I lied.
"You're not going with them. Makikipag-date ka ngayon kay Errol."
"What?" Decisionist ka?
Napatingin ako kay Errol para tingnan ang reaksiyon niya but it seems like he already knows this.
Umiling ako kay Mamita. "I need to go with my friends—"
Hindi puwedeng makikipag-date din ako ngayon kay Errol! Paano ang date naming dalawa ni Chasin?
"I said no, Yzce. Galing pang Batangas itong si Errol para puntahan ka ngayon. Nakakahiya naman sa kanya."
Nalaglag ng aking panga habang nakatingin kay Mamita. Problema ko ba 'yon kung galing pang Batangas si Errol?
Sinara ko ang bibig ko at nagtiim-bagang. Naiirita ako habang nakatingin kay Mamita na ngayon ay nginigitian si Errol na tila ba humihingi ng paumanhin sa ginagawa ko. Shit! I knew she'd be like this! Sabi na nga ba't kokontrolin niya rin nang paunti-unti ang buhay ko!
"Puwede namang sa sunod na lang, Madam," Errol said when he noticed that I really don't want to go.
Mamita shook her head firmly and glared at me. "No, hijo. Ilang oras kang bumiyahe para makarating dito. Sayang naman. Sasamahan ka ng apo ko."
Masamang-masama na ang loob ko habang nakatingin kay Mamita. Alam kong nararamdaman niya iyon pero wala siyang pakialam.
Why is she doing this to me? Bakit hindi na lang ang mga paborito niyang apo ang ipagkanulo niya sa Errol na ito? Oh, right! Paborito nga, e! Siyempre hindi niya magagawa 'yon. Ayaw niyang masaktan ang kahit sino sa mga favorite apo niya. Kaya ako ang ginagamit niya dahil ayaw niya naman sa akin. Nanikip ang dibdib ko. Bitterness filled my whole system.
Wala akong nagawa nang hinila na ako ni Errol palabas ng bahay. Masiyado kong dinidibdib ang mga ginagawa ni Mamita kaya naman medyo nawala sa isip ko ang date namin ni Chasin.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...