Kabanata 35

1.5K 44 19
                                    

Last kabanata before the Wakas. Thank you so much for reading and patiently waiting!






Kabanata 35

Simula nang umalis ang mga pinsan ko sa bahay, naging sobrang tahimik na ng buong lugar.

Our house is so big. It’s too big for only me and Mama. Hindi ako sanay. Naninibago pa ako na sa tuwing uuwi ako, hindi ko na nakikita ang mga pinsan kong nagkalat kung saan-saan. Mayroong nasa living room, sa likod ng bahay, sa lanai, sa may pool, sa second floor. Sa third floor...

Hindi ko alam kung normal lang ba na medyo maging malungkot kahit okay lang din naman sa akin na mapaalis sila. Dahil deserve naman nila iyon. Pagkatapos ng pagtrato nila sa akin na parang multo sa mismong pamamahay ni Daddy. After all the rudeness. After all the heartaches.

But then, a part of me still feels sad. Siguro dahil pinsan ko pa rin sila. At minsan naman ay okay lang sila sa akin... once in a blue moon. Mas lamang nga lang talaga ang pagiging suplada nila sa akin.

Or maybe, hindi lang talaga ako sanay.

“Masasanay ka rin...” Mama said while stroking my hair. “Naninibago ka lang.”

Mula nang mapaalis sina Mamita, naging mas malapit kami ni Mama sa isa’t isa. We’re doing the normal things we usually don’t do back then. Ang manood ng movie. Mag-shopping ng magkasama. Madalas kasi nasa trabaho si Mama. Ngayon, mas pinili niyang mag-work from home muna.

Nasa living room kami pareho. Nanonood ng movie. Nakahiga ako sa kanyang hita habang siya’y pinaglalaruan ang aking buhok.

“Nagsisisi ka bang pinaalis natin ang Mamita mo?” she carefully asked.

I sighed. To be honest, 50/50 ako sa desisyon na iyon ni Mama. Parang na-pressure lang ako kaya ako pumayag. But after finding out na okay naman ang buhay nina Mamita, bukod sa nanganganig ang kumpanya ng mga pinsan ko, naging panatag na rin ako.

“I hate her for what she did, Mama. For all the evilness she did...” pag-aamin ko. “Pero kapag ganitong malayo siya at hindi naman niya ako minamaltrato, parang nakakalimutan ko ang galit ko...”

Ngumiti si Mama. “Pareho kayo ng Daddy mo.”

“Really?”

Bata ako nang mamatay si Daddy kaya wala akong masiyadong alam sa kanya. Ang mga alaala ko lang kasama siya ang naaalala ko. Ang mga pagbibigay niya ng kahit anong hilingin ko. Ang pag-a-acting niyang superman para mapasaya ako. Ang mga biro niya at pangungulit sa akin.

“I suddenly miss him tuloy, Mama. Ikaw kasi..” Ngumuso ako at tumawa.

Tumawa rin si Mama.

The happiness I’m feeling is too much. Wala na ang stress ko. Ang mga bagay na nagpapabagabag sa akin.

“Papuntahin mo kaya ang boyfriend mo rito, Yzce?” biglang sabi ni Mama.

Napabangon ako bigla at gulat na napatingin kay Mama. She was smiling kaya hindi ko malaman kung nagbibiro ba siya. Pero kailan ba siya nagbiro?

“What, Mama?”

“Ang boyfriend mo. Papuntahin mo rito. I remember him asking me if he could talk to me. Nakalimutan ko na at hindi ko na rin naasikaso dahil sa Lola mo...” aniya.

Napamaang ako. “Are you sure, Mama? I-I thought you didn’t like him?”

“I... didn’t like him at first because of your cousin’s description. At sa pananamit niya rin. He looked like a boy who does nothing well.”

“Mabait siya, Mama. He looked intimidating and cold but he was kind.”

Tumango si Mama. “I believe in you...”

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon