Kabanata 22

1.2K 34 6
                                    

Kabanata 22

I won't break up with Chasin. Iyon na agad ang unang nasa isip ko pagkagising na pagkagising ko kinabukasan.

After doing my morning routine, tinawagan ko na si Mina para magpasundo. After what happened last night, I feel like Mama won't allow me to go out. O kung oo man, hindi siya maniniwala na si Mina nga ang magiging kasama ko... sa umaga nga lang dahil sa hapon, si Chasin naman. Of course, I won't let them know that.

"Bakit ka nagpasundo? Anong mayroon?" Nagtatakang tanong ni Mina habang nasa loob kami ng sasakyan niya.

I sighed. "Mamita and Mama found out about my relationship with Chasin."

"And? Congrats! Ano'ng sabi ng pamilya mo?"

Napaismid ako sa pag-congrats niya. Inilingan ko siya. "Mina, hindi maganda."

"Huh? Why?"

Bumuntonghininga ako. Hindi ko nga pala nasasabi sa kanya ang mga nangyayari sa bahay. I mean, she knows my grandmother is so evil. Iyong kay Errol ang hindi niya alam. Na tingin ko'y dahilan kung bakit pinaghihiwalay kami ni Chasin ngayon.

"Mamita wants Errol for me. Gusto niyang maghiwalay kami ni Chasin at ginagamit niya si Mama para mangyari 'yon."

Napaawang ang labi ni Mina, gulat akong tiningnan. "Ang sama talaga ng ugali ng Lola mo!"

Sinabi mo pa.

"Ano'ng plano mo, kung ganoon? Hihiwalayan mo si Xabat?"

Matalim ko siyang tiningnan. "No way. Ano ka ba, Mina?"

"Edi, ano? Ano'ng plano mo? Alam ba iyan ni Xabat?"

I shook my head.

"Sabihin mo. Hindi ba may date kayo mamaya?"

"Bakit ko naman sasabihin?" nagtatakang tanong ko.

She rolled her eyes on me. "Malamang kasi boyfriend mo!"

"Baka masaktan lang siya... na hindi siya tanggap ng pamilya ko. Pinakilala niya ako kahapon sa pamilya niya. They were so nice to me, Mina. Nagi-guilty ako dahil hindi ganoon ang tingin nina Mama sa kanya kahit hindi pa nila siya nakikilala. They even said he looked like a drug addict! Kahit hindi naman totoo! Ganoon ka-guwapong mukha? Mukhang drug addict? My family is insane—"

"Wait! Wait! Wait! Wait, Yzce!" putol ni Mina sa mga sinasabi ko habang nanlalaki ang kanyang mga mata at awang ang labi. "You met his family? Already?!"

Tumango ako, dahan-dahan.

"Oh my goodness! What did you do to him, Yzce? He's serious about you! That fast! Oh, my God!"

I bit my lower lip.

"Ano'ng ritwal ang ginawa mo sa kanya?" Umiling-iling si Mina. "Hindi ako makapaniwala! Baliw na yata sa 'yo, Yzce!"

I chuckled and slowly flipped my hair. Tumawa siya sa ginawa ko pero sumeryoso din agad. Hinawakan niya pa ang kamay ko.

"But, seriously! Sabihin mo kay Chasin. Baka may magawa siyang paraan!"

"Mina, this is a family matter. Dapat ako lang ang sosolusyon..."

"Kahit na!"

Umiling-iling ako, desidido talagang hindi sasabihin kay Chasin ang tungkol sa problema ko. Nakakahiya. Nakakahiya ang pamilya ko. Nakakahiya ang problema ko.

My grandmother is selling me to a man I don't really know that much. Para sa pera. At nakakahiya iyon. She wants me to break up with my boyfriend. For Errol. Para sa pera. Sobrang... nakakahiya.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon