Kabanata 10
Maingat at dahan-dahan akong naglalagay ng frosting sa strawberry flavored, heart-shaped, mini cake na ginawa ko. This is the third one that I made. Ubos na ang mga ingredients na binili ko sa paulit-ulit na paggawa, kaya triple na rin ang pag-iingat ko. Tahimik na rin akong nagdadasal na sana hindi na ako pumalpak sa pagkakataong ito.
"Pinahihirapan mo lang ang sarili mo..." Umiiling-iling na turan ni Mina sa tabi ko.
Nakasandal siya sa may sink at nakahalukipkip habang pinagmamasdan ako.
I ignored her and tried focusing on what I am doing. Naramdaman kong medyo may pawis na ako sa noo kaya tumigil ako saglit para magpunas. Pagkatapos ay tumuloy na naman ako.
Damn. I didn't know this would be hard. Akala ko talaga, sobrang dali lang gumawa ng cake dahil sa mga napapanood ko sa social media.
"Dapat bumili ka na lang ng bento cake. Ako nahihirapan sa 'yo, e."
"Shut up, Mina."
"Pinahihirapan mo lang sarili mo. Wala namang masiyadong pinagkaiba kapag bumili ka."
Umirap ako at nilingon siya. "Don't you know the word effort?"
"Panis 'yang effort mo 'pag 'di niya 'yan tinanggap."
"Tatanggapin niya 'to."
"Hindi mo sure. Sa itsura ng crush mong 'yon? Parang diretso basurahan agad kahit hindi pa tinitingnan." Humalakhak siya.
Tahimik kong tinuloy ang ginagawa. Hindi na ako umimik dahil wala naman siyang alam.
I mean, Chasin does look like that way. But he's not that rude... to me. Hindi sa asyumera ako pero sa ilang buwan kong pagbibigay ng kung ano-ano sa kanya, wala pa siyang tinatanggihan mula sa akin. And Mina just couldn't believe me about that. Oo nga naman. Too good to be true talaga kasi. Kahit ako, hindi ako maniniwala. Pero totoo 'yon.
"Sige. Let's say, tinanggap niya nga. Pero paano kung hindi niya magustuhan?"
"At least, tinanggap niya, Mina. Napaka-negative mo," inis kong sabi.
Ngumisi lang siya.
"Bakit hindi ka na lang din sumabay sa akin?" sabi ko.
"Sumabay?" Nalito siya.
"Gawan mo rin ng cake 'yong manliligaw mo. 'Yong mula sa STEM?"
She laughed with no humor. "Tigilan mo 'ko, Yzce! I told you, he's not my type! Math freak!"
"Math freak ka rin naman, ah?"
"I'm not. Gets ko lang ang math but I don't love it!"
Edi ikaw na. Sana all magaling sa math.
Umayos ako ng tayo nang sa wakas ay natapos ko na ang paglagay ng frosting sa cake. I let out a heavy sigh. Nakakapagod naman 'to! Partida, wala pang lettering!
"I-calligraphy ko pa ba 'yong letters?" I asked Mina.
She laughed. "Are you stupid? Frosting pa nga lang, hirap ka na! Ewan ko sa 'yo, Yzce."
Ngumuso ako.
Sa huli, nilagyan ko na lang ng stick sa gitna at sa upper part ng maliit na stick ay may nakadikit na note.
Happy Valentines Day, Chasin!
Love, Yzce.
Gumuhit ang ngisi sa aking labi habang pinagmamasdan ang cake na ginawa.
"Anong oras mo ibibigay 'yan?" Lumapit na si Mina para tingnan ang finished product.
"Uwian. Dadalhin mo umaga tapos ipapalagay ko muna sa fridge ng TLE room."
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...