Kabanata 17

1.2K 45 4
                                    

Kabanata 17

Mabilis kaming umahon na tatlo mula sa tubig. Paglapit namin sa cottage, kanya-kanya nang awat ang mga lalaki kay Errol at Ambrose. I gasped.

"Anong nangyayari?" sabi ko at agad nilapitan si Errol.

Putok ang labi ni Errol. Nakapikit ang kanyang mga mata habang inaalalayan ni Gene at Tientze. He looked wasted. Parang wala na nga siyang malay. Kung bakit siya sinapak ni Ambrose ay hindi ko alam!

Nilingon ko si Ambrose. Galit na galit siya. Dinuduro-duro pa ang lasing na si Errol.

"Fuck you, man!"

"Ambrose!" pasigaw na awat ni Mina.

Nilingon siya ni Ambrose, namumula pa rin ang mga mata sa galit. Mas lalo akong naguluhan.

"Bakit ba kayo nag-aaway?" sabi ko at bagaman takot na baka matamaan ako ni Ambrose ay pumagitna pa rin ako.

"Tumabi ka diyan, Yzce. I'm not yet done with that bastard!"

"Ambrose," mahinahon ngunit nagbabanta ang boses ni Chasin mula sa likuran ko.

He was standing behind me as he looked at Ambrose with a deadly gaze. Umigting ang panga ni Ambrose bago unti-unting kumalma. Tumalikod siya habang binubulong-bulungan ni Claude.

Nalilito ako sa nangyayari.   Nilingon ko si Mina na salubong ang kilay habang nakatingin kay Ambrose. Ambrose kept on glancing at her, still mad.

Habang nakatalikod pa si Ambrose, kinuha na iyong pagkakataon nina Gene at Tientze na dalhin na sa itaas si Errol. Sumunod agad ako.

"Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ko habang nilalapag nila sa kama ang tulog na si Errol.

"Errol joked something bad about Mina," sagot ni Gene.

"Anong joke ba?"

Sumulyap si Gene kay Tientze at tila nag-alangan pa bago sumagot. "Na... Mina's body is so hot and he wants to fuck it?"

Umawang ang labi ko.

"May first aid kit yata sa bathroom, Yzce. Puwede bang ikaw na muna bahala dito kay Errol? Kakausapin namin si Ambrose..." Tientze said.

Tumango ako.

When they left, I let out a heavy sigh. Umupo ako sa kama sa tabi ni Errol. Dumudugo ang labi niya.

"Stupid," bulong ko.

Kahit ako naman, sasapakin ko talaga siya. I get it that he finds my friend hot. Pero to say to everyone he wants to... what? Fuck her? Nagtiim-bagang ako.

Tumayo ako at kinuha ang first aid kit. Pagbalik ko, tulog pa rin siya. Palapit pa lang ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Chasin looked at me as he entered the room. Habang sinasara ang pinto ay nakatingin na siya kay Errol sa kama.

Ngumuso ako. "Si Ambrose?"

"Kalmado na," he simply answered, gaze still at Errol.

Lumapit ako kay Errol at umupo sa tabi nito. Mukhang mahimbing na ang tulog niya. Ang lakas din ng loob nitong matulog nang parang walang ginawa ah? Kung sapakin ko kaya ito?

"You don't need to do that. Let him treat his wound," malamig na sabi ni Chasin.

Sinulyapan ko siya. Nakalapit na siya at ngayon ay nasa tabi ko na.

"Hindi puwede. I'm responsible for this. Ako ang nagdala sa kanya rito.  Hindi puwedeng basta ko na lang siyang pabayaan kahit deserve niya 'to."

Umigting ang kanyang panga. Parang may gusto pang sabihin pero tumahimik na lang. I was already tapping the cotton with an ointment on Errol's lower lip when he spoke again.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon