Kabanata 29

1K 28 10
                                    

Kabanata 29





No, no, no, no.

This can’t be happening. It can’t be!

Iyon ang nasa aking isipan habang namumutlang pinagmamasdan si Errol na nakadapa sa aking kama, hubo’t hubad at mahimbing ang tulog.

Namuo ang mga luha ko. Nakahubad siya. Nakahubad rin ako. Hindi naman ako tanga para hindi agad maisip kung ano posibleng mangyari. Pero hindi. Hindi puwede... Paano nangyari ito?

Parang nagkabuhol-buhol na ang utak ko habang pilit na nag-iisip. Paano? Paano?

Tinakpan ko ang aking mukha at humagulgol sa pag-iyak. Ang comforter ko ay nakatabon na sa aking hubad na katawan ngayon.

Errol suddenly woke up because of the noise I made. Bahagya siyang bumangon kahit nakapikit pa. Kinusot-kusot niya ang kabilang mata.

“Yzce?” tila naalimpungatan lang na sambit niya. “Umiiyak ka?”

Hindi ako agad nakasagot.

“Why are you crying?”

“E-Errol... w-wala namang nangyari sa atin hindi ba?” tinanong ko agad ang kanina pang bumabagabag sa akin.

“Huh? What do you mean?”

Pumikit ako nang mariin at humikbi.

Ano na ang mangyayari ngayon? Sa amin ni Chasin? This is... this is cheating... I cheated? I was drunk! Paano? Hindi ko kayang isipin ang lahat. Pumikit ako nang mariin.

“What the fuck...” dinig kong mura ni Errol.

Dumilat ako at nakitang tuluyan na siyang napaupo. Nakatingin siya sa comforter na tanging tumatabon sa mga katawan namin ngayon. Nang nalipat ang tingin niya sa akin, kitangkita ko ang mga tanong sa mga mata niyang maging ako ay hindi ko rin masasagot!

“B-Bakit nasa iisang kama tayo?” he asked. “And what the fuck... are you naked too?”

Namumutla si Errol pagkaraan lang ng ilang segundo.

“Shit, shit, shit, shit! Please tell me nothing happened between us!” aniya.

“Why are you asking me?! Hindi ba’t ako ang lasing kahapon at hindi ikaw?!” sigaw ko.

Napahilamos siya ng mukha habang tuloy sa pagmumura.

Mas lalo akong umiyak at pinagbabato siya ng mga unan. “Walang hiya ka! Pinagsamantalahan mo ako!”

“What?!”

Humagulgol ako.

“No! I did not!” tanggi niya.

“Kung ganoon, bakit ka nandito sa kama ko at bakit tayo nakahubad? Tang ina mo, Errol! Akala ko kaibigan ka! Walanghiya ka! Hayop ka!” gustong-gusto ko siyang sabunutan sa sobrang galit ngunit hindi ko magawa dahil comforter lamang ang tanging nagiging damit ko ngayon.

Pinaghahampas ko na lang tuloy siya ng unan gamit ang kanang kamay ko. Ang kaliwang kamay ko ay sinisigurong hindi matatanggal ang comforter na ginagawa kong pangtapis.

“Yzce! Stop!” Pinagkrus niya ang braso para huwag matamaan ang mukha niya.

“Tang ina mo, Errol!”

“Anong nangyayari dito?!”

Kumalabog ang pinto at bumungad sa amin si Mamita na agad napatakip ng bibig habang nakatingin sa amin. Nanlalaki ang kanyang mga mata.

“Oh my goodness!”

Her reaction said it all. Iniisip niyang may nangyari sa amin. At maging ako, ganoon din ang iniisip ko ngayon. Pero ayokong tanggapin. Umiling-iling ako kay Mamita. Ayaw kong gawin niya pa itong dahilan lalo para itulak ako kay Errol.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon