Kabanata 30

1K 24 10
                                    

Kabanata 30

Tulala ako habang nagtitimpla ng sarili kong kape.

Sabado na ulit pero hanggang ngayon ay hindi matanggal sa isip ko ang pagtitig sa akin ni Chasin. Kumakalat ang guilt sa buong sistema ko tuwing naaalala ko iyon. Idagdag pa ang pag-text niya sa akin kagabi.

From boyfie:

Are you okay? Is everything okay? I haven't seen you for a while. I'm worried.

Iyon pa talaga ang message niya. Umiyak na naman tuloy ako nang umiyak kagabi. Kaya ngayon ay namumugto ulit ang mga mata ko.

Hindi ako nag-reply sa kanya. Hindi ko alam kung anong ire-reply ko.

I'm not okay. Everything isn't okay.

Miss na miss ko na siya. Ang huling kita ko rin sa kanya ay 'yong kasama siya ni Tientze. Ilang araw na ang nakalipas.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Tama si Mina. Hindi puwedeng habang buhay ay iiwasan ko siya. Kailangan kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko pa kayang gawin iyon ngayon. Wala akong lakas ng loob. I need more time... to prepare myself for everything that might happen.

Bumuntonghininga ako at sumimsim na sa kape. Sa sobrang wala ko sa sarili, nakalimutan kong mainit iyon.

"Ouch!" sambit ko nang mapaso ang aking dila.

Natataranta, mabilis kong ibinaba ang mug sa lababo. Naghuhas ako agad ng kamay dahil natapunan din ang kamay ko sa pag-panic.

"Sigurado ka ba?"

Napalinga-linga ako sa paligid nang marinig iyon. May nagchi-chismisan palang mga katulong sa may dirty kitchen.

"Oo! Sigurado ako!" pabulong na sagot ng isa.

"Grabe talaga si Madam Asuncion. Nagawa niya iyon?"

Kumunot ang noo ko. Pinatay ko ang faucet at nagpunas ng kamay bago lumapit sa may bintana upang mapakinggan pa ng maayos ang pinag-uusapan nila.

Napatalon ang isang katulong nang matanaw ako. "Ma'am!"

Tumigil ako at biglang nahiya. "Uh, nasaan ang mga kamatis?" random na tanong ko para pagtakpan ang kahihiyan.

"Kamatis po?"

Uminit ang aking pisngi. "Nevermind!" sabay alis ko roon.

Nalulunod sa kahihiyan akong umakyat sa ikalawang palapag ng aming bahay.

Nakasalubong ko si Barbie malapit sa may pintuan ng kanyang kuwarto. She immediately smirked at me. Hindi ko na sana siya papansinin pero hinarang niya ako bigla.

"Ano ba?" iritang sambit ko.

"Malandi ka. May boyfriend ka na pero nakipag-sex ka sa iba," matalim ang tingin sa aking wika niya.

Napasinghap ako. "Tumigil ka."

"Bakit? Totoo naman, ah? Alam na ba 'yan n'ong pogi mong boyfriend? Hiwalay na kayo? Kung oo, puwede bang akin na siya-"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Sinampal ko siya. She gasped and turned to me with wide eyes.

"Did you just slap me?"

"Ang tagal ko nang nagtitimpi sa 'yo," gigil kong saad. "Noong una sinabi mo kay Mamita na may boyfriend ako-"

"Because it's true! What? You want me to lie?"

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Sinabi mong mukha siyang adik! Ano? Pati iyon, totoo rin? Sinungaling ka! Bida-bida! Tapos ngayon, gusto mong sa iyo na? Ano 'yan? Mukhang adik ang type mo? You're cheap!"

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon