Kabanata 2

1.7K 43 1
                                    

Kabanata 2

Indeed, you cannot really control what you feel towards a certain person. Hindi porque sinabi mong hindi mo na siya gusto, matik na hindi mo na siya gusto agad.

At the end, puso pa rin natin ang magdedesisyon.

Pabagsak akong nahiga sa aking kama matapos magpakawala ng isang malalim na buntonghininga. Kaunti na lamang ay malapit nang mapunit ang bibig ko sa lawak ng aking ngiti. Wala ako sa tamang wisyo. Pakiramdaman ko'y nasa alapaap pa rin ako.

I still don't understand why Chasin kissed me though. He was curious? At ako pa talaga ang napili niyang halikan para i-testing? Bakit? Bakit ako?

I bit my lips and hugged my pillow before rolling on the side of the bed. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa matauhan ako. I instantly rose and hit my head.

"Shit. You should stop, Yzce. Baka nakakalimutan mo? He's not the way you imagined him... He's not a nice person! He's rude! And... And..." Muling sumagi sa isipan ko ang paghalik niya sa akin.

Napamura ako muli at napapikit na sa labis na frustration. Litong-lito ako sa dapat maramdaman kaya sobrang late na ako nakatulog nang gabing iyon. So the next day, I wasn't surprised when I looked like a zombie.

"Anong nangyari sa iyo?" natatawang wika ng isa sa mga pinsan ko.

Humikab ako. "Hindi ako masiyadong nakatulog kagabi..."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat lamang ako. Sakto namang dumating si Mamita kaya tumahimik na talaga ako. After that heated conversation of us because of my cards, hindi pa kami ulit nagkakausap. I never said sorry because I still believe that there was nothing wrong with my grades. Siya naman, mukhang galit pa rin talaga sa akin.

Sa bagay, kailan ba siya hindi nagalit sa akin?

"Sana naman sa sunod na semester ay matataas na ang grades ninyong lahat..." anito na halatang pinariringgan ako.

I only sighed.

"Mamita, look at this..." Umusog si Luana palapit kay Mamita kapagkuwan ay may ipinakitang kung ano mula sa cellphone nito.

I saw how their arms touched. Napatitig ako roon at naisip na kailanman ay hindi ko nagawang lapitan nang ganoon si Mamita. At kahit ang pagkuwento ng kung ano rito ay hindi ko pa nagawa. I gulped.

Pagkatapos ng umagahan ay nagkanya-kanya na kaming alis patungo sa eskuwelahan. Commute lang ang ginagawa ko palagi. Meanwhile, my cousins use our service. Hindi na ako pinasasakay ni Mamita dahil 'hindi na raw kasiya'.

"To the prettiest!" Sabay bigay ni Mina ng chocolate drink sa akin.

"Thank you!"

Naglakad kami palabas ng canteen. We usually eat our snacks inside our room at hindi dito dahil masiyadong mainit at maingay.

"Uy!" Biglang napatigil sa paglalakad si Mina at nilingon ako.

"Huh? Bakit?" Nagugulat kong untag.

"Alam mo na ba?"

"Ang?"

"Naalala mo si Cedrick?" tukoy niya roon sa lalaking binugbog nina Chasin.

"Oo. Bakit? Anong mayroon sa kanya?"

"Ayun! Binawi 'yong sinabi niyang hindi niya kilala kung sino ang nambugbog at gumawa n'on sa kanya! Guess what? Magugulat ka kung sino pala!"

Napakurapkurap ako. "S-Sino?"

"The one and only crush of yours! Si Chasin! Naku! Red flag malala! Cancelled na! Iba na lang i-crush mo!"

Umawang ang aking labi.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon