Kabanata 23

1.1K 29 8
                                    

Kabanata 23

Chasin and I stayed there until sunset. When he told me he would take me home, doon ko lang naalala ang lahat.

Home...

My chest suddenly felt heavy at the thought of it. Panandalian kong nakalimutan na may Mamita sa bahay dahil sa masayang oras namin ni Chasin. And now that we are going home, I feel like I don't want to yet.

My mother lives and works in Manila. Ngayong umuwi siya, sa bahay siya tumutuloy. And Mamita's treating her like a maid. Si Mama naman, walang pakialam at panay ang sunod.

I let out a heavy sigh. Home... home must be a resting place. A place where you feel safe and happy. Pero sa akin? Parang bigat sa dibdib ang nararamdaman ko ngayon. Hindi naman ganito dati. I was okay even though Mamita doesn't treat me that well. She's so harsh towards me. Ngayon, dahil maging ang relasyon ko kay Chasin ay pinakikialaman niya, hindi ko na kayang manahimik na lang.

"Diyan mo na lang sa kanto, Chasin..." wala sa sariling sabi ko.

Nakapasok na kami sa subdivision. Tinutukoy ko ay ang kanto malapit sa bahay namin.

Mamita and Mama don't like him yet. Iniisip kong kung nasa bahay sila ngayon at hinatid ako ni Chasin, alam kong hindi nila palalagpasin ang pagkakataon na kausapin siya. I don't want that to happen, yet.

"What?" Chasin tilted his head.

"Diyan mo na lang... uh..." hindi ako makapag-explain.

Tinigil niya iyon sa kanto kahit na parang nagtataka. Bumaba ako, tinanggal ang helmet at ibinigay iyon sa kanya. Titig na titig siya sa akin habang ginagawa ko iyon.

"Dito na lang ako..." Kabadong sabi ko, hindi makatingin nang diretso sa kanya.

"Dito? This is not your house, yet."

"O-Oo nga. B-Bahay 'to ng kaibigan ko," sabay turo ko sa bahay na nasa likod kahit hindi ko naman talaga alam kung kanino iyon. "May kukunin lang ako tapos... maglalakad na ako pauwi."

Kunot noong sinulyapan niya ang bahay sa likod ko.

"I'll wait for you here, then. Ihahatid kita sa inyo—"

"Huwag na!" Agap ko, medyo nataranta kaya pinangunutan niya ako ng noo. I bit my lips and calmed down.  "Matatagalan ako... at baka may pupuntahan ka rin. Malapit na lang naman ito e. Mag-dinner ka pag-uwi. At i-text or tawagan mo ako..."

Umiling siya. "Wala na akong ibang pupuntahan."

"Edi, umuwi ka na. I know you're tired too..."

He stared at me for a while, as if he was thinking if he should follow me or what.

"Sige na... uuwi rin naman ako agad."

He sighed. "Alright."

Napangiti ako at lumapit para halikan siya sa labi. He stiffened and looked at me with amusement in his eyes. I chuckled as I encircled my arms around his nape. Both of his hands rested on my waist.

"Parang ayaw ko na muna tuloy umalis ka..." malanding bawi ko.

I felt him kiss my hair. Nagtindigan ang aking mga balahibo at bumilis ang tibok ng aking puso.

These past few days, I feel like he's getting sweeter.

"You should rest too. Bilisan mo lang sa loob."

"Hmm..."

"I love you," he gently whispered into my ear when I tried to step back.

Hindi ko inaasahan iyon kaya nalaglag ang aking panga habang pinagmamasdan siya. Seryoso naman siyang tumingin sa akin na para bang hindi siya nagsalita kaya nagduda ako bigla.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon