Kabanata 27

1K 31 13
                                    

Kabanata 27

“What the fuck are you saying?” iyon ang tanging nasabi ni Chasin.

Umiiyak ko siyang tiningnan. Nasasaktan ako at naiinis dahil ine-expect kong magiging masaya na ako ngayong araw dahil sa wakas ay makikita ko na siya. Ngunit imbes na ganoon ang mangyari, nakaramdam pa ako ng selos kay Ara, bagay na hindi naman dapat.

“K-Kung galit ka dahil sa nangyari, maiintindihan ko naman, Chasin… p-pero kung pinagpalit mo ako agad nang ganoon kabilis—”

He gasped. “Stop right there for a moment, woman.”

Napatigil ako.

“Pinagpalit? Can you please stop saying that like it’s so easy to do? And that I would even fucking do that?” iritado niyang sabi. “Mahal na mahal kita. Paano kita ipagpapalit?”

Fuck.

“I-I’m not done yet,” takot na sabi ko. Hindi dahil sa namumuong galit niya kundi sa sarili ko. Natatakot akong bumigay agad sa mga salita niya. I mean, walang masama. Pero hindi pa ako tapos mag-vent out ng frustrations ko!

“Come here,” he calmly demanded.

Umiling ako, medyo kabado.

“Come here and stop crying. Let’s talk about all the things you’ve said, calmly and peacefully. No shouting,” sabi niya.

Hindi ako kumilos. Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang nagpupunas ng luha sa aking pisngi. Tumigil na ako sa pag-iyak ngunit humihikbi pa rin.

Chasin uttered a curse when he realized I won’t follow him. Siya na mismo ang gumalaw upang alisin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Hindi ko inaasahan iyon kaya hindi ako nakaatras. And it was also very late to even do that when he was already hugging me.

Nanlalaki ang aking mga mata at sinubukan siyang itulak. “Ano ba?”

“Hindi kita pinagpalit. Hindi ko magagawa ’yon,” malamig at mahinahong turan niya habang yakap-yakap ako.

Mahigpit ang kanyang yakap. Although his voice was icing cold, his hug was so warm.

“Chasin!” saway ko lalo na nang makitang may mga estudyanteng padaan sa hallway kung nasaan kami ngayon.

Hindi siya nakinig. Bagkus ay humigpit lalo ang yakap niya.

“I don’t know how you accuse me of that. I wasn’t able to sleep properly for the past few days of not seeing you nor hearing your voice. Hindi ako sanay pero tiniis ko ’yon. You were always in my mind... even though I was a bit hurt the last time I saw you...”

Nakadaan na ang mga estudyante. They all looked awkward seeing us. Noong una ay nahiya pa ako ngunit nang makalampas na sila at marinig ang lahat ng sinabi ni Chasin, natulala ako.

Dahil nakayakap sa akin si Chasin, dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Mabilis. Gaya ng kanyang paghinga.

Kumalas siya sa yakap. Tumulo na naman ang luha ko. He quickly wiped those tears of mine before he cupped my face. Seryoso siyang tumitig sa akin. Naninikip ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. Dahil sa saya na naging vocal siya? Hindi ko alam.

“Tell me everything I need to know,” seryosong sabi niya.

Napamaang ako. “Y-You’re not mad?”

“Is there something I need to be mad about?”

Napalunok ako.

His eyes darkened. “Alam mo ang tungkol doon? Did you cheat on me?”

“Of course not!”

“Then what happened? Tell me.”

Napayuko ako. “A-Alam na ng family ko ang tungkol sa atin...” pag-amin ko na.

Melting His Frozen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon