Part 7

236 4 0
                                    







Bei


Nagmamadali akong lumabas ng unit ko.  Tagal naman ng elevator.  Maya maya ay bumukas na ito.  Pumasok agad ako.  Pinindot ko ang ground floor.  Nataon na halos bawat floor may nag aabang.  Aaaargh.   Sa wakas ground floor na.  Bumukas ang elevator at lumabas agad ako.  Naghihintay na ang grab car ko.  Paglabas ko ng building ay nakita ko agad ang paparating na kotse.  Tiningnan ko ang plate number.  Sakto.  Binuksan ko agad ang backseat at sumakay.

Grab driver :  Ma'am Bei?

Bei  :  Yes, ako po yun.

Pinatakbo na ni manong driver ang sasakyan.   May game sila Jho ngayon.  Sana makarating ako bago mag start ang game.  I overslept naman kasi.  Nakinig muna ako ng music.  Nilagay ko earphonr sa tainga ko.  After almost one hour.

Grab driver  :  Andito na po tayo. ma'am.

Binayaran ko sya at nagmamadaling lumabas ng kotse.  Mabilis ang lakad ko papasok sa Araneta. 



Jho


Nag wa warm up na kami.  Akari vs.  Cignal.  Palo palo ng bola.  Nang may mahagip ang mga mata ko.  Kilalang kilala ko ang likod na yan.  Lumingon naman ang may ari ng likod na yon.  Si Bei.  May mga lumalapit sa kanya.  Nagpapa picture.  May mga yumayakap sa kanya.  Napa kunot noo ako.  Nag concentrate ako sa bola.  Maya maya ay nag start na ang game. 

Talo kami sa game 1.  Galing ni Daquis.  Nanalo naman kami sa game 2 at game 3.  Pagod na ako.  Nag time out.  Uminom ako ng gatorade.  Nagpunas ng pawis.  Laro ulit.  May fifth set pa.  Close fight.  Two points na lang panalo na kami.  Ako na magse serve. 

Announcer  :  Serving, Maraguinot.....service ace......Another service ace by Maraguinot.....

Nanalo kami, Yeeey!!!!!

Nasa dug out na kami.  Patuyo ng pawis muna.

Dindin :  Oy, dinner daw tayo.  Treat ni coach.

All  :  Yeeey!!!!

Nag shower na ako.   Nauna silang lumabas.  Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na rin ako.  Nagmamadali ako, baka maiwan nila ako.  Actually, convoy kami.

Bei :  Congratulations, Jho.

Jho  :  Thank you.  Anong ginagawa mo dito.

Bei  :  Syempre nanood po.  Tsaka susunduin kita.

Jho :  Ha ha ha.  May kotse ka ba?

Bei  :  Wala.  May kotse ka naman, e.

Jho :  He he.

Bei  :  Kain tayo.

Jho  :  Ah, e ano e.  May pa dinner si coach.

Nag puppy eyes sya.  Andyan na naman sya, o.   Super cute.  Naging weakness ko na ang batang ito, hay.

Jho  :  Sandali lang, ha?

Nag text ako kila ate Dindin, na di ako makakasama, something come up.  Binalik ko sa bag ang cellphone.

Jho  :  O, lika na.

Hinila ko na si Bei palabas ng Araneta.  Nakasakay na kami sa kotse ko.  Since Sabado ngayon, di masyadong traffic.  Nakarating kami agad.  Pumasok na kami sa restaurant.  Umupo.  May lumapit naman na waiter at binigyan kami ng menu.  Nag order kami agad.  Super gutom na me.

Bei  :  Kala  ko ba may pa dinner si coach.

Jho  :  Malakas ka sa akin, e.

Bei  :  Pwede naman siguro ako sumama sa inyo.

Hi, I'm Bei.   [completed]Where stories live. Discover now