Part 8

215 5 0
                                    







Jho


Parang batang inakay ko si Bei papasok sa bahay namin.  Hawak ko kamay nya.  Nakatingin naman ito sa paligid.


Jaja  :  Oy, andito na pala kayo, ate.

Patakbo itong lumapit sa amin.  Nilagpasan ako at dumiretso kay Bei.  Niyakap nya ito.  Hmn, feeling close, agad.

Jaja :  Welcome to Batangas, ate Bei.

Bei  :  Hi, Jaja.

Jho  :  Hoy, ako kapatid mo!  Di mo lang ba ako eha hug?

Jaja :  Nakakasawa ka na ate.

Hinampas ko si Jaja.

Jaja  :  Araaay!  Di ka pa rin nagbabago, ate.  Mapanakit pa rin.

Nilapitan naman ako at niyakap.  Pumasok na kami sa bahay.  Nakahawak sa braso ni Bei si Jaja.

Jaja  :  'Ma, andito na po una nyong anak.

Lovel  :  Hello, anak.

Nag hug kami ni mama.

Jho  :  Kumusta na ma?

Lovel  :  Okey lang, anak.

Jaja  :  'Ma, si ate Bei, friend ni ate.

Bei :  Hello po, ma"am.

Lovel  :  Buti nakapunta ka dito.  Tita na lang, anak.  Kain muna kayo.  May meryenda dito.

Pumunta na kami sa dining area at umupo. Nilagyan ko ng foods ang plate ni Bei at nagsalin ng juice sa baso.  Nilagay ko yun sa harap nya.

Jho  :  Kain ka na.

Jaja:  Sikat na sikat ka na, ate Bei.  Ganda mo pa sumayaw.  Inaabangan namin yun.

Napangiti naman si Bei.  Ginulo nito ang buhok ni Jaja.

Bei  :  Talaga, ha?  Alam mo ba kung bakit ko ginagawa yun?

Jaja :  Bakit?

Bei  :  Kasi pag nakikinig ako ng music, nawawala ang kaba at nerbyos ko.  At para mas enjoy, sumasayaw din ako.

Jaja :  Ah, kaya pala.  Ang cute nyo po, pag sumasayaw kayo.

Bei  :  Thank you.

Nag selfie kami ni Jaja at Bei.  Madaming angle, hahaha. Busy naman sila mama sa kusina.  Naghahanda sa mga lulutuin mamaya at bukas ng madaling araw.  Pagkatapos namin kumain ay dinala ko si Bei sa kwarto ko.

Nakatingin sya sa picture frames na nasa table.  Kinuha nya ang isa.

Bei  :  Ikaw 'to?

Nilapitan ko sya at tiningnan ang picture.

Jho  :  Oo, nong mga five years old ako.

Bei  :  Cute mo dito. 

Nakita naman nya ang picture ko ng graduation nong high school.

Bei  :  Ganda mo na dito.  At dito.

Kinuha nya graduation picture ko sa Ateneo.

Bei  :  Payat ka pala talaga.

Jho  :  Sexy kamo.

Bei  :  Yeah.

Namula naman ako don.  Sexy?  Nag agree naman 'to.  Humiga naman  si Bei sa kama ko. 

Jho  :  Pagod ka?  Sige sleep ka muna.

Bei  :  Lika, sleep tayo.

Napatingin ako sa kanya.  Namumungay na mga mata nya.  Hmn, cute.  Tumabi na ako sa kanya.  Niyakap nya ako.  Side hug.  Nasa balikat nya ang ulo ko.  Dinig na dinig ko ang tibok ng kanyang puso.  Ang bilis.  Siniksik ko sa leeg nya ang ulo ko.  Bango.  Palagi syang mabango kahit bagong gising.

Hi, I'm Bei.   [completed]Where stories live. Discover now