Part 21 Movie Marathon

178 3 0
                                    



Bei



Nasa condo lang ako. Wala kasing training at wala ding game. Nanood lang ako ng tv. Replay ng akari vs cignal. Andon ako, nanood ng game nila, pero gusto ko lang mapanood ulit sa tv. Nakatingin lang ako kay Jho. May sarili syang galaw na so feminine. It is very unique of her. To me, she is like dancing to a music. And when she smiles, my insides turn over and over. She is just.....too beautiful.

May kumakatok. Sino kaya ito? Tumayo ako at naglakad papunta sa may pinto. Binuksan ko ito.

Maddie/Deanna/Ponggay : Hello, Bei!!!!

They kissed me sa cheeks then dire diretso sa sala. NIlapag nila sa mesa ang mga dala nitong paper bags. Isinara ko ang pinto at naglakad papaunta sa sala. Umupo ako sa single sofa.

Ponggay : Dito muna kami, Bei, nakaka bored sa condo.

Deanna/Maddie : Yeah, Bei!

Bei : S-sure.

Deanna : May dala kaming foods, para lunch natin, tsaka chips and beer, hahaha. Teka lagay ko lang sa ref ang beers!

Maddie : Movie marathon tayo, Yieee!!!!

NIlipat na nya sa netflix ang tv.

Maddie : Dali, Deanna mag start na ang movie. Ano pala papanoorin natin?

Ponggay: Poltergeist!!!!

Deanna : WAG!!!! Horror yan! Ano na lang, Jumanji na lang!

Maddie : Okey!

Nanood na kami ng movie. Sobrang suspense ang movie, napapa hawak sa akin si Maddie.

Ponggay : Dali takbo, ayan na sya, malapit na, TAKBO, BILIS!!!!

Maddie : WA!!!!!

Deanna : TALON DALI!!!!!

Natatawa akong nakatingin sa kanila. Wala na sa screen ang attenion ko, sa kanilang tatlo na. Sobrang nakakatuwa mga facial expression nila, sabayan pa ng pasigaw sigaw, hahaha. Kinunan ko sila ng pictures. Pa simple ko rin silang kinunan ng videos, hahaha. Natapos din ang movie.

Ponggay : Hoooo, kapagod ang movie na to!

Maddie : Pinagpawisan ako don, a!

Deanna : Parang ako yong hinahabol. Nakaka hingal!

Bei : So, what's next?

Maddie : Romcom naman!

Bei : Hmn, One more chance.

Seryoso na kaming nanood sa movie. Kumuha ako ng apat na beer sa ref. Binuksan ito at ibinigay kay Maddie, Ponggay at Deanna. Nagbukas din ako ng akin at uminom. Nag take out sila ng foods. Don na rin kami nag lunch sa sala. Pumapasok pa rin sa isip ko si Jho. Umiinom ako pag naiisip ko sya. Madalas syang pumapasok sa isip ko, kaya madalas akong tumungga ng beer. Kumuha ako ulit ng beer sa ref ng maubs yong akin. Napapadalas ang pagpunta ko sa ref. Medyo tipsy na ako. Kumakain na kami ng lunch. Natapos din ang movie.

Maddie : Namumungay ka na, Bei.

Deanna : Naks! Ang dami mo ng naubos na beer, Bei.

Ponggay : Maglalasing ka ba, Bei?

Madami ng basyo ng beer ang nasa ilalim ng mesa. Napangiti ako.

Bei : Parang ang sarap ng beer ngayon, hahaha!

Hi, I'm Bei.   [completed]Where stories live. Discover now