Part 12 Hurting

214 3 0
                                    







Jho


Di nila ako nakita. May matangkad kasi na nakaupo sa may harapan ko.  natabunan nya ako.  At nasa may likod kami.   Nakita ko agad sila ng pumasok.  Masayang nagku kwentuhan mga kasama nya.  Naka concentrate naman sya sa pagkain.  ngumingiti minsan.  Seryoso ang mukha nya.  Nawala ang pagka masayahin nya.  Maya maya ay umakyat sya sa stage at kumanta.  Ang ganda ng boses.  Napatitig ako sa kanya.  Ang lungkot ng song.    And her eyes, napaka lungkot.  Nawalan na ako ng ganang kumain. 

Ana :  Ganda ng boses nya. 

Marge  :  Oo nga.   Parang anghel. 

'Anghel talaga yan'  bulong ko sa sarili.

Ana :  Kain pa, Jho.  Kaya nga tayo nag  buffet, e, para makarami, hahaha.

Jho  :  A-ah, maya na. 

Tumayo ako nagpunta sa dessert table.  Nakita ko ang ice cream, vanilla.  Kumuha ako.  Bumalik na ako at naupo.  Habang kinakain ko ang ice cream ay naalala ko nong kumain kami sa condo nya.   'God, I miss her'  bulong ko sa sarili.   Na miss ko ang hugs nya.  Pag uusap namin, kakulitan nya, mga pang aasar nya sa akin.  Na miss kong yakapin sya ng mahigpit.  And her kiss, sa forehead ko.    Na may inaalagaan ako.  Para kasi syang bata. 

Marge  :  Jho,  Jho, Jho?

Hinawakan ni Marge ang kamay ko, napatingin ako sa kanya.

Jho  :  Yes?

Marge  :  Layo naman ng isip mo,  hahaha.  Sabi ko, uwi na tayo.  Nauna na si Ana.  Di mo narinig no, na nagpaalam na?

Jho  :  Narinig ko kaya.  Tara na.

Nagsinungaling na lang ako na narinig ko, pero hindi.  Lumabas na kami sa vikings at tinungo ang parking lot.  Since, may dala kaming sariling sasakyan ay naghiwalay din kami ni Marge. 






Nasa Araneta ako, kasama si Marge.  Nanonood kami ng Semi finals.  Choco mucho vs. Petro Gaz.  Nag wa warm up na sila.  Naka earphone  si Bei.  Pasayaw sayaw.  Di nakangiti, seryoso ang mukha. Nagsigawan ang mga tao.  Sinisigaw  nila pangalan nila  Deanna at Bei.  Kinawayan naman nila ang audience, mas lalong lumakas ang ingay.    Lalo na ng sumayaw si Bei sa gitna, tinuturo ang audience.  Lakas ng charisma nya.  Na miss ko yung nakangiting Bei na sumasayaw.  Parang namumula sya.   At matamlay. 

Start na ng game.  Nagsisigawan ang mga tao pag long rally.  Nakaka pigil hininga.  Lamang ang Petro Gaz.   Panalo sila sa first set.  Nang magsimula ang second set,  naka bangko si Bei. 'Bakit kaya' bulong ko sa sarili.  Talo na naman ang choco mucho sa second set.  Puro na seryoso ang mga taga choco mucho.  Pag nanalo pa sa third set ang Petro, wala na, talo na sila.  Pinasok si Bei sa third set.  Naka tatlong service ace si Bei.  Sigawan ang mga tao.  Palaging nakaka puntos si Kat at Isa, pati si Bei.  Naipanalo nila ang third set.  Napaka ingay na ng audience.  Lalo na sa fifth set.   Maraming long rally.  Nakatayo na kami.  Tinakpan ko na ang tainga ko sa ingay.  One point na lang panalo na ang choco mucho.  Nag set si Deanna.  Pinalo ni Bei,  na block naman ito ni Pontillas.....


Announcer  :  Out of the block!!!!


Nagtatalon ang choco mucho....panalo sila.  Napaupo naman si Bei.  Nagpapahid ng pawis.  Nakatungo ito.  Linapitan naman sya ni Deanna.  Umangat ang ulo nito.  Parang namumutla sya.  Inalalayan sya ni Deanna palabas ng court.  Umalis na kami ni Marge. 

Pupuntahan ko sya sa condo. 

Coach  :  Good job, girls.  Welcome to the FINALS!!!!

ALL choco mucho  :  YEEEY!!!!!!

Hi, I'm Bei.   [completed]Where stories live. Discover now