BeiWarm up na kami. Game 3 na para sa championship. Nakuha ng Creamline ang game 1. Panalo naman kami sa game 2. Sobra ang kaba ko, kaya puro masasayang kanta playlist ko ngayon. Nagsimula na rin akong sumayaw. Naghiyawan ang mga tao, kinawayan ko sila. Whew!!! Sinabayan ako ng mga team mates ko at mas lalong nagsigawan ang audience. Nakatawa lang kami. Nagpatugtog na rin ang DJ, ang ingay na sa MOA. May pataas taas pa kami ng kamay. Nabawasan din ang kaba. Nagsimula na ang game, Nakangiti lang ako at sumasayaw pag nakaka point. Galing ng CCS talaga. Super intense na ng Laban. First two sets panalo sila. Third and fourth set naman kami panalo. Nakakabingi ang sigawan ng mga tao lalo na pag long rally. Fifth set na, seryoso ang Creamline, defending champion kasi sila.
Set by Wong, spike ni Tolentino, blocked by Jema and Ced. Point nila. Serve ni Tots, sumobra ang palo, point ng choco mucho. Serve by Maddie, received ni Kyla then set by Jia, pinalo ni Jema, nakuha naman ni ate Denden at diretso nya senet ang bola, bigla ko naman itong pinalo. Naka puntos kami. Creamline 10. Choco Mucho. 8. Nag dance ako na nakangiti.
Nag set si Deanna papunta sa akin, medyo mataas kaya tinaasan ko ang talon ko at ma lakas na nag spike. Nakatingin ako sa bola kung pasok ba ito. PASOK. Pero di maganda ang landing ko, napasigaw ang mga tao. Namilipit ako na nakahawak ang mga kamay ko sa aking mukha. Pinigil kong sumigaw sa sakit. Nagsilapit naman mga team mates ko pati ang creamline.
Maddie : Bei, are you okey?
Di ako makasagot, sobrang sakit. Umiyak na pala ako. May dumating na stretcher at dahan dahan akong pinahiga doon.
" Bea! Bea! Bea! Bea! Bea!" Sigaw ng audience.
Jho. : B-Bei?
Napalingon ako, I know that voice. Hinawakan n'ya ang kaliwa kong kamay.
Nakahiga na ako sa hospital bed. May benda ang kaliwang paa ko. Nakatulog pala ako. Nakita ko si Jho na natutulog. Hinaplos haplos ko ang buhok n'ya. Ilang sandali ay nagising na ito.
Jho : Bei? Nagugutom ka na?
Bei. : I'm thirsty.
Dali daling tumayo si Jho at kumuha ng bottled water. Binuksan n'ya ito at dahan dahan akong pina inom.
Bei. : Thank you.
Jho : May masakit ba sa yo?
Bei. : Medyo, yong paa ko.
Bigla syang lumabas ng room. Pagbalik n'ya ay may kasama syang nurse.
Nurse : Good evening, ma'am. Masakit po paa n'yo?
Bei : Medyo po. Kumikirot.
Nurse. : Ah okey po. Inom po kayo nito pag sumakit po. Pain killers po yan.
Tumingin s'ya kay Jho at nilagay sa mesa ang gamot. Lumabas na ito ng room.
Jho : Kain ka muna. Para makainom ka na ng gamot.
Ng susubuan na n'ya ako, kinuha ko ang spoon sa kamay n'ya.
Bei : A-ako na. Wala naman diperensya ang kamay ko.
Jho : Nganga.
Ngumanga naman ako. Kanin, ulam, gulay, tubig.
Bei. : Thank you, ha?
Jho : Para saan?
Bei : Inaalagaan mo na naman ako.
Jho. : Okey lang yon. Mommy mo ko di ba?
Bei. : Ang bata bata mo pa para maging mommy ko. Two years lang tanda mo sa akin.
Jho. : E di bestfriend na lang!
Bei. : Hmn, I like that better.
Jho. : O, inom ka na ng gamot.
Inabot n'ya sa akin ang painkillers at tubig.
Bei : Thank you, bestfriend!
Kinindatan ko s'ya. Teka, bakit parang namula s'ya. Tumalikod na s'ya at pumasok sa CR. Paglabas n'ya ay may dala syang plangganita at toothbrush.
Jho. : Toothbrush ka na.
Nag toothbrush naman ako. At pagkatapos ko at ibinalik n'ya ang plangganita sa CR.
Bei. : Sino pala nagbihis sa akin?
Jho : Ako. At pinunasan na rin kita. Sponge bath.
Bei. : As in hinubaran mo ko?
Jho : Oo. Bakit?
Bei. : Nakita mo na pala ang lahat sa akin.
Namula na naman s'ya. Uminom sya ng tubig.
Jho : Sleep ka na. Late na. Good night.
Bei. : Good night.
Humiga na s'ya sa couch, kaso maiksi sa kanya ito.
Bei : Dito ka na matulog. Di ka kasya dyan. Maluwag naman itong bed. Pareho naman tayong sexy.
Saglit syang tumingin sa akin at tumayo. Umusog naman ako at dahan dahan syang humiga.
Jho : Nagpunta pala dito mga team mates mo kaso tulog ka. Inantay kang magising kaya lang pagod na rin sila. Babalik sila bukas.
Bei : Who won?
Jho : Creamline.
Bei. : They deserve it, ang galing nila. Masaya na ko sa silver.
Jho : Magaling ka kaya.
Humarap s'ya sa akin at niyakap ako. Mahigpit. Parang nabasa ang pajama ko. Nakasubsob s'ya sa leeg ko. Umiiyak s'ya.
Bei. : Hey, bakit ka umiiyak?
Jho : W-wag mo na u-uulitin yon ha?
Bei : Ang alin?
Hinampas n'ya ng mahina ang braso ko.
Jho : Yong nangyari sa yo kanina. No'ng bumagsak ka at di gumagalaw di ako makahinga. Pinag alala mo ko.
Bei : Sorry.
I kiss her hair and forehead. Tiningnan ko s'ya, nakasiksik pa rin sa leeg ko. Maya maya ay humihilik na ito. Napangiti ako.
I a.m so lucky na nakilala ko s'ya. Naging bestfriend ko pa. Thank you, Lord.
YOU ARE READING
Hi, I'm Bei. [completed]
FanfictionShe grow up in the US, but she loves the Philippines. She's outgoing and NO BOYFRIEND SINCE BIRTH, no girlfriend, either. Volleyball is her first LOVE. Will she find love in the PH?