Jho
Nagising ako na wala na si Bei sa tabi ko. Bumangon na ako. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone, 1 p.m. na pala. Napasarap tulog ko. Pumasok na ako sa cr para maligo. Nagbihis agad ako pagkatapos maligo. Bumaba na ako. Nakita ko si Jaja sa sala na nanonood ng tv.
Jho : Ja? Asan si Bei?
Jaja : Ay, ate. Sumama kila Audrey at Jana.
Jho : Saan daw sila pupunta?
Jaja : Teka. Nakalimutan ko ate.
Nanood ulit ito ng tv. Nagpunta naman ako sa kusina at kumain. Nag type ako ng message.
To : Bei
Hi, asan ka? Kagigising ko lang.
Kumain na ako. Hinugasan ko ang pinagkainan ko ng matapos. Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Naki nood ako ng tv. Pero wala don ang isip ko. Nasaan kaya si Bei? Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala pa ring reply. Sinubukan kong tawagan pero ring lang ng ring. Kumuha ako ng book at sinubukang magbasa. Maya maya ay nilagay ko ang book sa mesa. Nag tyoe ulit ako ng text,
To : Bei
Watch kami ng tv ni Jaja ngayon. Movie marathon.
Nanood ulit ako ng tv. Tinawagan ko ulit si Bei, wala pa rin. Walang sumasagot, ring lang ng ring. Nag type ulit ako ng message.
To : Bei
Hello, musta ka na dyan. Reply ka naman.
Paulit ulit ko syang tinawagan pero ring lang ng ring hanggang sa mag 'out coverage area' na. Nilagay ko sa mesa ang cellphone ko at sumandig. Nasa tv ang mga mata ko.
Jaja : Ate? Ate, ate.
Nagising ako. Nakatulog na pala ako. Kinusot ko mga mata ko.
Jaja : Dinner na tayo.
Jho : Anong oras na ba?
Jaja : Seven fifteen na.
Jho : Andito na si Bei?
Jaja : Wala pa po.
Jho : Sige kumain ka na. Antayin ko na lang sya, sabay na kami.
Pumunta na si Jaja sa dining area at kumain. Nilipat ko sa news ang channel. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala pa ring message. Napatayo na ako. Sobra na akong nag aalala sa batang yun. Kanina pang umaga umalis, a. Walang reply at di makontak ngayon. Palakad lakad ako sa sala. 'Diyos ko, wag naman sana' bulong ko sa sarili ko. Pumunta ako sa dining area.
Jho : Ja, magsumbong na kaya tayo sa pulis. Di ko sya makontak, e. Tsaka walang reply.
Naiiyak kong sabi.
Jaja : Ate, kalma. Kalma ka lang. Baka sobrang nag enjoy lang yon. Nakalimutang mag message.
Lumabas ako ng bahay at umupo. Pag may papalapit na sasakyan ay tumatayo ako. Lagi namang lumalagpas sa bahay namin. Nine thirty na. Umiyak na ako. Pumasok ako ng bahay at umupo ng sala. Maya maya ay may humintong sasakyan. Nakita kung bumaba si Bei sa sasakyan, para akong nabunutan ng tinik. Pero galit naman ang pumalit. Nang papasok na sya sa sala.
Jho : San ka galing? Di mo ba alam na nag aalala na kami sa yo.
Bei : A-ah, Jho an.......
Jho : Di ka man lang nag text o tumawag. Di ka rin nag reply sa mga text ko. Nakalimutan mo na ba ang silbi ng cellphone?
Bei : J-jho, nak.....
Jho : Akala ko kung ano na nangyari sa yo! Kung baka na aksidente ka, nasagasaan. Di mo ba naisip yun, ha?
Natigilan si Bei. Pati sila Audrey at Jana ay parang napako sa kinatatayuan. Di makagalaw. Napanganga naman si Jaja.
Umakyat ako agad sa kwarto ko at ibinalibag pasara ang pinto. Humiga akong nakadapa sa kama. Umiyak ako ng umiyak. 'Bakit sya ganyan' sabi ko sa sarili ko. Halos mamatay ako sa pag aalala.
Bea
Di ako makapag salita. Tama naman kasi sya. Di ko inisip mararamdaman nya. Pero, di ko naman sinasadya.
Parang natauhan sila Audrey at Jana. Nagsalita na ito.
Audrey/Jana : A-alis n-na k-kami, Ja, Bei.
Umalis na sila. Umupo naman ako sa sofa.
Jaja : Kumain ka na, ate Bei? Di pa kumakain si ate Jho. HInihintay ka nya.
Bei : D-di pa.
Jaja : Lika na, kain ka na.
Bei : Tsaka na. Sabay na kami ni Jho.
Napapa iling na lang si Jaja.
Jaja : Sige, ate, akyat na ako sa kwarto ko.
Umakyat na si Jaja. Nakatulala pa rin ako.
Umakyat na ko at dahan dahang pumasok sa kwarto nya. Nakahiga na si Jho. Baka tulog na. Nag linis ako ng katawan at nag toothbrush. Lumabas na ako ng cr. Dahan akong umupo sa kama.
Bei : J-jho?
Bumangon sya at lumabas ng kwarto. Malakas na isinara ang pinto. Pumatak na ang mga luha ko. Di ako sanay na ganito kami. Di magkabati. Humiga na ako. Pinahid ko ang luha ko. Hinintay ko syang bumalik ng kwarto. Pagod na pagod ako kaya nakatulog agad.
YOU ARE READING
Hi, I'm Bei. [completed]
FanficShe grow up in the US, but she loves the Philippines. She's outgoing and NO BOYFRIEND SINCE BIRTH, no girlfriend, either. Volleyball is her first LOVE. Will she find love in the PH?