Jho
Masayang masaya ako na okey na kami ni Bei. Bumalik kakulitan at pang aasar nya sa akin. Masaya kaming nag breakfast, nag lunch at nag movie marathon. Pero yong pinaka masaya, ay yong nasa rooftop kami. Ang saya saya ng puso ko. Gustong gusto ko na nakayakap sya sa akin. Nong naka back hug sya sa akin at humarap ako sa kanya. Nong nagtitigan kami, napaka inosente ng mga mata nya. Nong halikan ng halikan nya ang noo ko, parang naglulundag ang puso ko.
Niyakap ko pa ng mahigpit si Bei. Tulog na ito. Natulog na rin ako.
Bei
Maaga akong bumangon. Nagluto ako ng breakfast. Pakanta kanta pa ako habang nagluluto ng sinangag. Prito ng itlog, bacon at hotdog. Nag brew din ako ng coffee. Inihain ko na ang mga foods sa mesa. Naglagay din ako ng mga utensils. Nilagay ko rin ang boquet ng sunflowers sa uupuan ni Jho. Ayan, kumpleto na. Pumunta na ako sa kwarto at umupo sa kama. Hinimas himas ko ang pisngi ni Jho.
Bei : Gising na, baby.
Gumalaw si Jho, pero tulog pa rin. Hinalikan ko ang noo nya.
Bei : Gising na baby. Breakfast na tayo.
Jho : Fifteen minutes.
Nakapikit pa rin ito. Binuhat ko sya at naglakad palabas ng kwarto.
Jho : Hoy, Bei, ibaba mo ko. Ibaba mo ko!
Pinandilatan nya ako. Nakangisi naman ako sa kanya. BInaba ko sya sa malapit sa dining table. Napatingin sya sa mesa.
Jho : Wow, ang aga mong nagluto.
Nanlaki mga mata nya ng makita ang bulaklak.
Jho : Oy, sunflowers!!!
Dinampot nya ito at inamoy amoy. Umupo na sya. Umupo na rin ako. NIlagyan ko ng foods ang plato nya.
Bei : Wala namang amoy yan.
Natatawa kong sabi. Inirapan nya lang ako.
Jho : Kahit na. Thank you, ha?
Tumayo sya at niyakap ako. Bumalik din agad sa pagkakaupo.
Bei : Your welcome.
Jho : Saan ba tayo pupunta?
Bei : Basta.
Nakangiti lang ako na nakatingin sa kanya. Pagkatapos namin kumain ay naligo na sya. Hinugasan ko naman mga pinagkainan namin.
Nagda drive na ako palabas ng city. I insisted na ako na mag drive. Sinaksak ko ang iphone ko at pumili ng playlist. Sinabayan ko ang kanta. Sumabay na rin si Jho. Kumakanta lang kami habang nag da drive ako. Road trip lang. Pa north ang direction namin. Nasa Guagua na kami. Pinatay ko ang sasakyan at bumaba. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat.
Bei : Lika na. Kain muna tayo.
Bumaba na si Jho at magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Razons. Pancit luglug, dinuguan at puto at syempre their famous halohalo, two orders each. Nang dumating na mga order namin ay kumain agad kami.
Jho : Hmn, sarap ng luglug at dinuguan at puto. Their halo halo is super yummy, hmn.
Nakangiti lanag akong nakatingin sa kanya habang kumakain. Pagkatapos kumain ay sumakay na kami sa kotse nya. Nakamasid lang kami sa dinadaanan.
YOU ARE READING
Hi, I'm Bei. [completed]
Fiksi PenggemarShe grow up in the US, but she loves the Philippines. She's outgoing and NO BOYFRIEND SINCE BIRTH, no girlfriend, either. Volleyball is her first LOVE. Will she find love in the PH?