Part 13

217 4 0
                                    







Jho


Nag take out ako ng foods, sa kenny rogers. May dala din akong vanilla ice cream, pareho naming fav. Excited na kinakabahan akong nagda drive papunta sa condo ni Bei. Miss na miss ko na sya. Pumasok na ako sa building at nag park. Masaya ako ngayon. Masaya kasi nanalo sila kanina. Pasok na sila sa finals.

Tok! Tok! Tok! Kanina pa ako dito. Wala yatang tao. Baka lumabas si Bei. Bumaba ako at nagpunta sa lobby. Nilapitan ko ang receptionist.

Jho : Ah, miss, andito po ba si Bei?

Receptionist : Ah, Jho Maraguinot?

Jho : Yes.

Receptionist : Hello po, idol ko po kayo! Andyan po si ma'am Bei. Medyo namumutla nga po, e. Hinatid sya ni Deanna Wong kanina.

Jho : Thank you. Kanina pa kasi ako katok ng katok. Pero walang sumasagot.

Receptionist : Baka nakatulog po. Teka, sandali lang po.

May pinuntahan ang receptionist. Pagbalik nito ay may dalang susi.

Receptionist : Halika.

Sumunod naman ako sa receptionist. Pagdating namin sa unit ni Bei ay sinusian nya ito. Bumukas na ang room. Palagi kasi ako dito, nakikita nila na magkasama kami palagi ni Bei. At syempre, si Jho Maraguinot yata to, hehehe, joke.

Jho : Thank you, ha?

Receptionist : Welcome po. SIge po alis na po ako.

Pumasok na ako sa unit ni Bei. Nilagay ko sa dining table mga pinamili ko. Pinasok ko naman sa freezer ang ice cream. Pina ikot ko ang paningin sa unit. 'Asan kaya sya?' tanong ko sa sarili. Naglakad ako papunta sa kwarto nya. Nakita kong natutulog pa si Bei. Nilapitan ko sya. Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi. Ang init nya. Hinawakan ko ang kanyang noo. Sobrang init.

Jho : Bei?

Umungol lang sya. Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng palanggana, nilagyan ko ng tubig at kumuha ng hand towel sa closet ni Bei. Binasa ko ito at pinunasan ang noo ni Bei. Pinunasan ko din shoulders nya at leeg nya. Ang init nya talaga. Nilagay ko sa noo nya ang hand towel. May nakita akong medicine cabinet, binuksan ko yon at kumuha ng gamot.

Jho : Bei? Bangon ka muna. Inumin mo tong gamot.

Bei : Mommy....... I'm sick.

Nagsasalita sya pero nakapikit pa rin mga mata nya. Tinulungan ko syang bumangon. Nang makaupo na sya ay pinainom ko sya ng gamot. Nakapikit pa rin sya. Inihiga ko na sya. Bumalik ako sa kitchen at nagluto. Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto ni Bei.

Jho : Bei, kain ka muna. Itong soup, o.

Umungol lang sya. Pinaupo ko sya at sinubuan ng sabaw. Ipina inom ko na lang sa kanya ang sabaw. Naubos naman ito. Humiga sya ulit. Basang basa na ng pawis. Nilagay ko sa side table ang mangkok. Kumuha ako ng damit sa closet nya. Hinubaran ko sya at pinunasan ang kanyang katawan. Pagkatapos ay sinuot ko na sa kanya ang shirt at shorts. Hiningal ako ng matapos. Ang bigat ng batang ito. Umupo ako sa kama at pinagmasdan sya. Ang pula ng kanyang mukha. Kinuha ko ang hand towel sa noo nya at binasa ulit ito, nilagay ko ulit sa noo nya.

Bei : Mommy, daddy, kuya, I miss you. I'm sick, mommy.

Nag dedeliryo yata sya. Hinagod hagod ko ang buhok nya.

Bei : I'm sorry, Jho. N-nakatulog ako, e. N-nasiraan pa kami.

Nabigla ako sa huli nyang sinabi. Di ko kasi sya hinayaan na pagpaliwanag.

Bei : M-mommy?

Medyo tuyo na ng kunin ko ang hand towel, binasa ko ulit ito at nilagay sa noo nya. Kumuha pa ako ng hand towel sa closet nya at binasa rin ito, pinunasan ko mga kamay nya at shoulders. Pati mukha nya.

Bei : J-jho?

Napatingin ako sa kanya. Nakapikit pa rin sya.

Bei : I-i l-love y-you.

Di ako makapaniwala na sinabi nya yun. Lumakas tibok ng puso ko. Para na itong lalabas sa kinalalagyan nya. Huminga ako ng malalim, paulit ulit. Nakahawak ang kamay sa dibdib ko.

Siguro, mahal nya ako, bilang kaibigan. Yun lang yun. Di na sya nagsalita ulit, Nakatulog na yata. Humiga ako sa tabi nya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Nai imagine ko ang abs nya. Ang kinis kinis nya. Flawless. Napadilat ako. 'Ano ba, Jhoana Louisse' nasabi ko sa sarili. Liningon ko Bei. Tulog na tulog. Hinawakan ko ang noo nya. DI na masyadong mainit. Kinuha ko ang hand towel sa noo nya at binasa ulit ito. Nilagay ko sa noo nya.

Pinagmamasdan ko ang maamo nyang mukha. Di na masyadong mapula. Pumunta ako sa kitchen at hinugasan ang mangkok at kutsara. Nilagay ko saref ang foods na nasa mesa. Wala akong ganang kumain. Pagkatapos ay bumalik sa kwarto ni Bei. Humiga ako ulit. At nakatulog.

Hi, I'm Bei.   [completed]Where stories live. Discover now