JhoEight na ko nagising. Sarap ng tulog ko. Naghilamos ako at nag toothbrush. Lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta sa kitchen. Oatmeal lang breakfast ko. Siguradong kainan to mamaya sa MOA. Hinugasan ko ang mangkok at nagpunta sa sala. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. Oy, replay ng game, creamline vs. choco mucho. Pinanood ko na ito. Nakita ko sa screen si Bei. Napa ngiti ako kasi pasayaw sayaw ito, habang nagwa warm up. Kahit nang mag game na. Habang naghihintay sila na mag serve si Tots, pasayaw sayaw si Bei sa harap nila ate Ly, Jema at Jia. Nag ngitian sila at di nila namalayan na nasa kanila na ang bola, hahaha. Tumawa na lang si Bei sa kanila. Nakakatuwa talaga ang batang ito. Nag mag nine na ay pinatay ko ang tv at naligo. Naka denim shorts ako at black sleeveless. Black sneakers.
Nasa MOA na kami. Palakad lakad. Maya maya ay papasok sa botique. Marami rami na rin nabili si Bei. Sa isang botique kanina marami syang napili at binili nya ito. Pants, blouse, dress at shirts at shorts. Nang makakita ako ng winnie the pooh. Nilapitan ko ito at niyakap. Half life size sya.
Bei : Type mo?
Jho : Oo, favorite ko 'to, e.
Kinuha ni Bei ang pooh.
Jho : Hoy, san mo dadalhin yan?
Binayaran ni Bei ang pooh at binigay sa akin.
Bei : O, gift ko sa yo.
Jho : Di ko naman birthday , a.
Bei : Pa thank you ko sa yo. Sinamahan mo ko, e.
Jho : Sus, para yon lang. Maliit na bagay.
Bei : Lika, kain na muna tayo.
Hawak nya ang kamay ko na pumasok kami sa Mesa. Pork adobo, sinigang sa miso, laing at ensaladang talong inorder namin. Buko juice naman drinks namin.
Bei : Hmn, sarap.
Jho : Mahilig ka rin pala sa Filipino foods.
Bei : Oo. Ito parati niluluto ni mommy, tsaka seafoods.
Nilagyan ko ng sabaw ang mangkok ni Bei.
Bei : Thanks.
Humigop sya sa mangkok. Nakakatuwa syang pagmasdan. Enjoy na enjoy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay napahawak si Bei sa tyan nya. Dumighay pa ito.
Bei : Sorry. Grabe kabusugan ko.
Jho : Ako din, hahaha.
Umalis na kami pagkatapos magbayad. Para syang bata na kumapit sa braso ko. Naglakad lakad pa kami hanggang makarating sa sinehan.
Bei : Oy, may tagalog. Watch tayo, ha?
Napatingin ako sa mga mata nya. Para talagang bata.
Jho : Oo na, ako na bibili ng ticket.
Bei : Bili rin ako ng popcorn at water.
Jho : Di ba busog ka na? Kaka kain lang natin.
Bei : Hello? Movie without popcorn. Di kumpleto.
Pumunta na sya sa may popcorn. Napapa iling na lang ako at bumili na ng tickets. Naka upo na kami sa loob. Kumakain sya ng popcorn habang nanonood. The 'how's of us' pinanood namin. Ano ba naman na movie na to, pinaiyak pa ako.
Nang matapos ang movie ay lumabas na kami. Hinila ko si Bei palabas ng MOA.
Bei : San mo ko dadalhin?
YOU ARE READING
Hi, I'm Bei. [completed]
Fiksi PenggemarShe grow up in the US, but she loves the Philippines. She's outgoing and NO BOYFRIEND SINCE BIRTH, no girlfriend, either. Volleyball is her first LOVE. Will she find love in the PH?