Apodyopsis-BFS 3

8.7K 215 12
                                        

Rivianna Avril Samonte

"Rivianna!" Antok na antok na inangat ko ang ulo mula sa desk. Pumikit pa ako ng ilang beses bago luminaw ang paningin ko at nagsisi ako bakit luminaw pa dahil isang panot na galit na galit ang bumungad sa'kin.

"Ohh sorry." Walang gana kong sagot. "I forgot nasa class pala ako."

Narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko bago ibinalik sa pagkakayuko ang ulo ko. Bright is the reason I didn't sleep last night. He asked me to another party, and I came here right away after waking up in a room with a stranger.

"Ang sakit mo talaga sa ulo!" Rinig kong sabi pa neto.

Bahala siya diyan. I'm in desperate need of sleep. Isa pa I'm not satisfied sa sex last night. Bright had just left her friend with me. I forgot what her name was, but we ended up in her bed. Not in my apartment, not a chance because she's not really my type, but I take it regardless.

I'd already fallen asleep when someone whacked me on the back. Fuck! Kagagaling nga lang ng likod ko. Ilang araw ko din ininda 'to dahil sa madwoman na 'yon. Tapos may manghahamapas lang?

I chose not to look at the person who smacked me. Yes, I'm too lazy to get up. Masiyado akong antok para pagtuunan siya ng pansin ngunit gusto ata ng away ng isang 'to dahil hinampas na naman niya ako sa likod.

"What?" Bulong ko habang nakayuko pa rin. Can't they see I'm sleeping? Puro sila istorbo.

"Bumangon ka na diyan. Kanina ka pa namin hinihintay ni Nova sa field!" I sighed at napilitang bumangon nang marinig ko ang isang familiar na boses.

Kung hindi lang si Colette 'to, I'll just ignore her. But just like her name, she's makulit. Bakit pa kasi nagmana 'to kay tita Athena? Napakabrutal.

"Bagay talaga sayo pangalan mo." I said to her and just grabbed my bag na wala naman atang laman.

"Anak ka ba talaga nila tita Agatha?" Tanong nito nang makahabol siya. "Ang layo-layo mo kay tita tsaka sa dalawa mo pang male version."

I noticed Nova in the corridor, leaning against the wall and staring at us. When we came close to her, I held onto her and laid my head on her shoulder. "Wassap Nova."

"Look at Nova, mas dugyot ka pa tignan."

"Shut up Colette." I said and closed my eyes. Nandiyan naman si Nova.

"Pagsabihan mo nga 'yang kaibigan natin. Ang dugyot oh daig pa homeless. Hindi man lang maayos pagkakasuot ng uniform."

"Hayaan mo na. Napagod na ako magsabi sa kaniya." Napangiti ako sa sagot ni Nova kay Colette.

Si Colette na lang talaga ang hindi pa napapagod. Oh, and my parents—especially my mom, of course. She keeps an eye on me at all times. Minsan nahihirapan na nga akong tumakas, but I'll just use my mama's presence para ma-distract si mom and it works naman all the time.

Hindi naman nagtagal nakarating kami sa cafeteria. Si Nova na ang nagpresintang mag-order habang ako nakadukdok sa table and Colette is busy with her book.

"Ohh eto na." Tamad na umayos ako ng upo. Nawala ng konti ang antok ko nang makita ang spaghetti. Agad na inabot ko ito kahit hindi pa nakaka-upo si Nova sa tabi ni Colette.

Apodyopsis: Built for sin (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon