Rivianna Avril Samonte
"Baka naman pwedeng ako muna?"
Nakangiting tanong ko sa kaniya habang naka silip sa sliding door niya. Habang siya naman, the usual, tamad lang ako tinignan bago ibalik sa laptop ang atensyon. Ano ba 'yan, mas worth it pa ba tignan ang laptop niya kesa sa'kin?
She's sitting at her desk in front of her laptop, wearing her reading glasses. Her hair is tied in a sloppy bun, and she is dressed in black jogging trousers and a white shirt. I was staring at her, waiting for her to look in my direction again, but her laptop had her full attention.
Napangiwi ako at binuksan pa ng maluwag ang sliding door niya para tuluyan na kong makapasok. Pagbubuksan ko na lang sarili ko, mukhang wala naman siyang balak. Tutal wala naman akong narinig na pag-angal mula sa kaniya. Looks like she got used to it.
"You know what, take a break first."
I set the plastic bag I was holding on the bed and took the 1 gallon ice cream from it. When I looked up, she was still working on her laptop. When an idea strikes me, I smirk.
I carefully walked behind her, trying to be unnoticed. At dinikit ang 1 gallon ice cream sa batok nito.
"Ay."
Mahina niyang pag-ungot. Hindi ko na napigilang pang mapatawa dahil napa igtad pa siya. Lumingon ito sa gawi ko at masama akong tinignan.
Her looks could kill me. Ang taray talaga ng cat eyes niya though it's good to look at. Hindi nakakasawa.
"What? Ayaw mo kasi akong pansinin." I shrugged my shoulders.
"What are you doing here?" Halata sa tono ng boses niya ang pagka-irita.
I gave her a thumbs down. "Boo! Ang KJ mo. Wala ka na bang ibang itanong? I even brought us an ice cream tas 'yan lang sasabihin mo?"
Nalipat ang mata niya sa ice cream na hawak ko. I raised it and made an attempt to put it in her cheeks, pero mabilis niyang naitulak ang kamay ko.
"Why bother to bring that here?"
I sighed and swiftly took her hand in mine. "Para kainin? Come on! Eat with me." Hinila ko siya patayo, and once again, wala na naman akong nakuhang pag-angal sa kaniya. "Hindi na 'to masarap pag tunaw."
"Bakit kasi hindi mo na lang kainin." She stated as she sat at the edge of the bed. Kinuha niya ang plastic at tinignan ang loob nito. "You really like to bother me, don't you?" Kinuha niya ang plastic spoon mula sa plastic.
Dami naman niyang sinasabi pero kakain din naman. Nilahad ko sa harap niya ang kamay ko, waiting for her to give me a plastic spoon also.
Pero ang lawyer na 'to tinignan lang ako ng may pagtataka. "What?"
"Spoon?" I said obviously. Pero imbis na abutan ako ng spoon ay buong plastic inabot niya. "Wow salamat, bait mo ah." Nabigla ako nang kunin niya mula sa kamay ko ang ice cream. "Wow naman talaga." I amusingly said.
"You're too slow. I still have many things to do."
I sat beside her. "Tulad ng?"
"Review." Simple niyang sagot before she scoops an ice cream and puts it in her mouth.
"Boring. Ano pa?"
Inabot niya sa'kin ang ice cream na agad ko naman kinuha. "Study." She shrugged her shoulders while her eyes were on the ice cream. Like she's waiting for her turn.
Tignan mo 'to, gusto din pala.
"Bakit may pa ganito?" Tukoy niya sa ice cream.
I passed the ice cream to her. "That's my comfort food. Rocky road flavored ice cream." I smiled at her sweetly, mas sweet pa sa ice cream na kinakain namin.
BINABASA MO ANG
Apodyopsis: Built for sin (GxG)
RomanceRivianna Avril Samonte, a princess, but not your typical princess. She is kind of a rebel spirit, a heater for your bed. The only girl of Agatha and Riverain's triplets. She suffers from this type of disorder, just like her mom. But her mother tried...
