Apodyopsis-BFS 15

2.4K 91 9
                                    

Rivianna Avril Samonte

"Smooth like butter like a criminal undercover."

"Ew K-pop." Tumalikod ako kay Colette dahil nakakadiri yung kinakanta niya.

Naka higa ako dito sa damuhan. Katatapos lang namin kumain kaya nasa field kami nakatambay ngayon. Masyado kasing mainit sa cafeteria tapos sobrang daming tao pa, nangangamoy pawis tuloy buong lugar. On the other hand, Nova wants to hangout here. Nakakapanibago nga at siya ang nag-aaya ngayon.

"Anong ew? BTS 'yon! Sila pinaka sikat sa mundo! Puro gwapo pa." Pagyayabang pa ni Colette, kala mo naman talaga may pake ako. "Tsaka hindi lang sila basta K-pop, pang western music na rin sila!"

Tinakpan ko yung tenga ko at pumikit. "Nova Nova! Patahimikin mo nga 'yang bestfriend mo."

Nakakaurat si Colette, hindi lang dahil sa K-pop, sakit din sa tenga ng boses. Ilang segundo na pero wala akong narinig kay Nova. Sinilip ko siya at nakita kong tulala lang siya sa kawalan. What's with her? This is the first time I saw her spacing out. Madalas siyang tahimik at nagbabasa pero aware naman siya sa paligid niya.

"Wow ha! F.O na tayo? Maka bestfriend mo, parang hindi tayo bestfriend ah?"

Bumangon ako ng kaunti. "Oh wag kang iyak." Saad ko habang nakatingin pa rin kay Nova. Lumapit ako dito at tinapat ang bibig sa tenga niya, pero hindi pa rin niya napapansin ang presensya ko. I slightly peek to see her face and she's still looking at nowhere. I tilted my head to the right, ano iniisip nito?

"Nova Nova!" Sigaw ko nang malakas sa tenga niya na kinagulat niya. Natawa ako ng bahagya dahil sa mukha niya.

Lumayo siya sa'kin and stared at me with confusion. "Anong trip 'yon?"

"Ikaw? Saan trip niyang utak mo?" She sighed deeply. "Lalim ah? Share it with me. Compared to Colette's singing, that is more pleasant to hear." Inakbayan ko siya at nilapit sa'kin.

"Epal ka tala-"

I placed my pointer finger in her mouth to shut her up. "Shh! Diyan ka lang, mamaya ka na." I turned my attention to Nova again. "Anong problema, Nova Nova? Babae ba'yan?"

She stiffened na kinagulat ko. Pagti-tripan ko lang naman sana siya pero ganito reaksyon niya. Does it mean?

I pulled her closer to me at pinaharap sa'kin. "Hoy! Babae nga?! You get laid?!"

"Manahimik ka nga!" Tinakpan nito ang bibig ko at tumingin sa paligid. "Nakakahiya ka! Baka may makarinig sayo!" This is the first time I saw Nova get nervous like this.

"So babae nga? Nag sex kayo?" Tinampal ni Colette ang bunganga ko kaya nilingon ko siya. "Ano? I'm just askin'."

"Bunganga mo tsaka itulad mo pa sayo si Nova." Tumingin siya kay Nova saglit bago ibalik sa'kin. "Nova isn't into that kind of stuff, nakalimutan mo na ba? Tsaka straight 'yan!"

I looked at Nova and studied her expression. Hindi, may mali talaga. Feeling ko tama ako pero sa lalake? I can't imagine. Napa iling ako dahil sa naisip. Kukulitin ko pa sana si Nova kaso biglang tumunog ang bell.

"Tara na, Nova. May quiz tayo kay Prof Morana ngayon. Bawal ma-late." Nauna tumayo si Colette.

Tinulungan naman ako makatayo ni Nova. Naunang maglakad si Colette kaya naiwan kaming dalawa.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap." Tinignan ko si Nova na may halong pagdududa.

"Nova! Tara na! Hoy Ril pumasok ka ah!"

I rolled my eyes. Pangarap siguro ni Colette maging nanay. Masyado niyang kina-career. "Sumunod ka na do'n, Nova." Pag taboy ko sa kaniya. I walked to the other side, dahil dadaan muna ako ng CR.

Apodyopsis: Built for sin (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon