Rivianna Avril Samonte
Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa may bintana sa labas. Meron ng pitong eroplano na dumaan mula kaninang nagsimula ang klase. Ilan pa kayang eroplano ang dadaan bago mag-lunch? Inip na inip na ko kanina pa. As usual, sobrang boring ng prof.
Busy ako mag abang ng susunod na eroplano nang biglang mag ring ang bell. At last, my misery has come to an end. Tumayo na ko agad at sinukbit ang bag ko sa balikat. Hindi ko na hinintay pa matapos ang prof ko. I don't even know what she's talking about at the front. Magpapalabas na nga lang, ang dami pang sinasabi.
I was being watched as I passed by every student in the hallway. That made me more confident to put myself in the open. Ang sarap talaga sa feeling sa tuwing maraming tumitingin sa'kin kapag ibinabalandra ko ang katawan ko. There is an indescribable sense of pleasure.
"Avril, ilang beses ko bang sasabihin sayo na walo ang butones ng uniform natin?" Nakapamewang na salubong sa'kin ni Colette. "Hubarin mo na lang kaya? Nahiya ka pa."
I smirked. "Wag mo kong subukan. I'm not going to think twice about doing that. You know this button," tinuro ko ang nag-iisang butones na nakakapit sa uniform ko. "Dahil sayo at kanila mama kaya nakakapit pa rin 'to. Kung ako lang, wala na 'yan."
"Wala ka na talagang lunas." Problemado niyang saad. Minsan talaga napapaisip ako na baka siya talaga nanay ko. "My Mom cooks some lunch for us."
I see kaya pala ang sabi niya dito na kami sa field kumain. May pa ulam naman pala si Athena. For sure, siya naman nagluto niyan, siya lang naman kasi masarap magluto sa kanila.
"I tried to contact Nova but she's not answering her phone." Colette said as she sat on the grass bago ilabas ang mga tupperware sa lunch bag. "Hindi man lang siya nagpasabi kung saan siya nagpunta after ng class namin."
It's unusual for Nova to not eat with us. May nangyari kaya? Nah, baka kung saan saan lang nagsususuot 'yon. Pwede rin na baka natauhan na siya at sinunod ang palagi kong payo na magparami.
I sat beside her at kinuha ang inabot niyang kutsara't tinidor.
"Maybe she's busy or sick? Who knows, malay mo nambabae na." Nagitla ako nang paluin niya ako ng malakas sa braso. "What?! Sinagot ko lang naman yung tanong mo. Just wait for your next subject after lunch. Mag kaklase din naman kayo do'n."
"Sarap mo talaga kausap."
"I know na masarap ako." I proudly answered back habang kumukuha ng ulam.
"Bwiset."
Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy na lang sa kinakain. My eyes widened when I tasted Athena's food that she had prepared for us. Ang sarap talaga niya mag luto. Kailan ba yung huli kain ko sa kanila?
"Nilutuan kayo ni Mama kasi parehas kayong wala ni Nova nung family dinner last time." Ah yung araw na natulog ako kanila Léonce.
"Tapos ngayon wala si Nova ulit?" I snapped my fingers. "Buti na lang at wala siya, malulutuan ulit kami. Don't forget to tell Athena that Nova didn't eat with us."
Inambahan ako ng suntok ni Colette kaya agad kong hinarang ang mga kamay ko sa harap ko.
"Sabing galangin mo palagi ang parents ko! Sasabihan ko si Mama na wag ka ng lutuan. Akin na nga 'yan!" Tinangka niyang kunin ang mga ulam kaya naman agad kong pinalo ang kamay niya.
Napa iling ako. "Bad manners 'yan, Colette. Hindi magandang mag damot."
"Wow coming from you? Nakakakilabot kapag nang galing sa bunganga mo." I just winked at her.
BINABASA MO ANG
Apodyopsis: Built for sin (GxG)
RomanceRivianna Avril Samonte, a princess, but not your typical princess. She is kind of a rebel spirit, a heater for your bed. The only girl of Agatha and Riverain's triplets. She suffers from this type of disorder, just like her mom. But her mother tried...
