Rivianna Avril Samonte
Umaga nanaman. Pwede bang mag gabi na lang ulit? Hindi naman sa inaantok pa ko, ayoko lang talaga pumasok. Iniisip ko pa lang na papasok ako sa school, nawawalan na agad ako ng lakas.
Nakasimangot na bumangon ako, wala akong choice. Dahil pag nalaman ni Mom na hindi pa ko bumabangon, baka sermon niya ang i-almusal ko. She's like a priest who says its homily. Kulang na lang mag amen ako.
Just in time, someone knocked on my door.
"Avril? Are you awake?" Mom asked with a stern voice.
See? Kung ganiyan ang gigising sayo araw-araw, pipiliin mo na lang na bumangon mag-isa kaysa hintayin ang parusa sayo.
"Yes, Mom." Walang gana kong sagot bago pumasok sa CR.
I took a nice shower and brushed my teeth. Skin care? Nah ah, no need. Sa kagandahan at sexy kong taglay hindi na 'yon kailangan pa. What I need is to open a few buttons of my uniform and then get ready to go. When I said a few buttons, isa lang ang naka-kabit.
"Good morning, twin." Napalingon ako sa kaliwa ko. It's Rover, kakalabas lang din niya ng room niya. "Mom will surely scold you." Tukoy niya sa suot ko.
Rover's room is just on the left side of mine. Tapos yung kay Raver naman sa kanang side ng room ko. Bale napapagitnaan nila ako.
I shrugged my shoulders. "Wala naman sila magagawa. Where's Raver?"
"Baka nasa baba na as always."
Sabay kaming bumaba at nagtungo sa kusina. At tulad nga ng inaasahan, masama na agad ang tingin ni mama sa'kin. Unlike Mom na napabuntong hininga na lang. They don't have a choice, and they will understand.
"Hindi mo ba pwedeng subukan isara kahit idalawang butones mo lang?" Tanong ni Mama na halatang nagtitimpi.
"Morning, Raver." Bati ko sa isang kambal ko na naka upo sa tapat ni Mom. "And no Mama, alam mo 'yan." I gave her my sweetest smile bago sila halikan sa pisngi at tabihan si Mom.
"I-try mo naman, Rivianna."
"Let's eat. Baka ma-late pa ang mga bata." Pagsingit ni Mom.
Pagdating talaga sa mga ganitong usapan si Mom ang kakampi ko. Hindi naman totally kakampi, pero pinipigilan niya si Mama na pilitin ako. Binigyan ako ni Mama ng warning look na sinuklian ko lang ng pang-asar na ngiti.
We started to eat breakfast: bacon, a hotdog, and fried rice ang pagkain namin. We have orange juice for drinks. Nagke-kwentuhan lang sila Mama at Rover about school, habang kami ni Raver ay nilalantakan lang ang pagkain namin. Alangan na i-kwento ko sa kanila yung lakad namin ni Leonce? Napangisi naman ako agad nang maalala. What a day, sana next time kaming dalawa lang lalabas tapos sa motel yung tuloy.
"By the way, Mom. Can I go out with my friends later in the evening?" Paalam ni Rover.
Mabilis nabalin ang atensyon ko kay Rover. "Hey hey, friends or babae? Nagbi-binata ka na ah! Sa bar kayo 'no?" Asar ko agad.
Rover gave me a deadpanned look. "Manunuod lang kami ng sine."
"With your girl?" Patuloy kong pang-aasar.
"With friends." Binigyan diin niya ang huling salita.
"Ah oo nga with your girl." I ignored what he said.
BINABASA MO ANG
Apodyopsis: Built for sin (GxG)
RomanceRivianna Avril Samonte, a princess, but not your typical princess. She is kind of a rebel spirit, a heater for your bed. The only girl of Agatha and Riverain's triplets. She suffers from this type of disorder, just like her mom. But her mother tried...
