Apodyopsis-BFS 22

2.2K 87 3
                                    

Rivianna Avril Samonte

"Hay buhay."

Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko na alam kung naka-ilan na ko mula pag gising ko. Sobrang bigat pa ng mga mata ko, natulog naman ako pero parang hindi.

I'm just sitting on the hood of my car, waiting for the sun to rise. I don't even know where I am. Basta ang alam ko lang nag-drive ako nang nag-drive kahapon palayo. Hanggang sa dito na ko inabutan ng dilim. Not bad, maganda rin naman ang view dito. It's a cliff where you can view the city lights far from here.

"Anong oras na kaya? Lagot na naman ako kay Mom."

Wala kong suot na orasan, hindi ko rin makita ang phone ko kung nasaan. Paniguradong maraming missed calls na naman si Mom. For sure, male-late din ako sa school. Bahala na, papasok na lang ako pag naka-angat na talaga ang araw.

Pero paano kung nandoon ulit siya? What if she's there waiting for me again? I can't take another of that for two consecutive days. No, kahit anong araw wag na siya papakita. Ayoko na siyang makita. I don't want to affiliate myself to her ever again. She's a bad omen, a curse, a walking bad luck. Hindi maganda ang hatid niya sa'kin at sa pamilya ko. So no, hindi ko na siya kakausapin, never again.

It's not me.

Isa 'yan sa mga hindi nagpatulog sa'kin kagabi. Ano ibig niyang sabihin? I don't want to think about it, but I can't help but wonder what those words mean. Or does that even have a meaning? She might simply be using her words against me once more. Sadly, it won't work any longer. I've already learned my lesson. I won't repeat the same mistake, especially if it causes further harm to my family. I just have to watch out for her.

Maya-maya pa ay unangat na ang araw. It's still beautiful as ever. I really like the feeling of sunrise, it gives me a fresh start, pushing me to start all over again.

"Okay, it's time to go." I stretched my arms upward before I stood up and got inside my car. I immediately drove my way back to school. Hindi muna ako uuwi para ma postpone galit ni Mom.

Pagkapark ko ng kotse ko sa school ay tinignan ko muna ang sarili sa rearview mirror. Hindi naman siguro ako mukhang bangag at dugyot? I looked at my uniform na mula kahapon ko pa suot. Hinawakan ko ang manggas at inamoy ito, I still smell good. Inayos ko lang ang nag-iisang butones na nakakabit bago kunin ang bag kong walang laman at bumaba sa kotse.

"Rivianna!" Rinig kong sigaw mula sa malayo. "Mah friend!"

I locked my car and looked up. Oh it's Bright. "Ingay mo naman, mahuhuling late ako." I put my hands in my pockets at tamad na lumapit sa kaniya.

"Grabe naman late 'yan, past lunch na tol!"

"Alam ko, may orasan ako." Nilagpasan ko siya pero agad din akong napahinto. "Saan nga ba ulit klase ko?" Tanong ko sa hangin.

"Tignan mo ni hindi mo alam kung saan klase mo animal ka." Inakbayan niya ako.

Inalis ko ang pagkaka-akbay nito. "Bahala ka na diyan. Mauuna na ko."

"Hoy! Saan ka pupunta?!"

"Sa lugar kung saan wala ka!" Sigaw ko pabalik habang naglalakad sa kung saan. Maki sit-in na lang kaya ako kanila Colette? I'll make sure na lang na hindi si Morana ang magtuturo.

Napahinto ako sa paglalakad nang sumagi sa utak ko na posible rin magtagpo ang landas namin kahit hindi siya ang prof ni Colette ngayon. Mukha pa man din siyang pagala-gala sa building nila. I should just stay in my room, kahit na ang boring. I think that's more bearable than seeing her.

Apodyopsis: Built for sin (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon