Apodyopsis-BFS 31

2K 87 13
                                    

Rivianna Avril Samonte

"Naninibago talaga ako sa ayos mo ngayon." Nilingon ko si Colette na nasa kanan ko at nagtataka na tinignan ko siya. "Dalawa na yung nakabutones, himala!"

Sa sinabi ni Colette, tumingin na rin si Nova na nasa kanan niya. Naglalakad kami ngayon papunta sa field, kakatapos lang ng klase namin.

"Wow." Walang kagana-gana niyang saad at itinuon ulit ang tingin sa harap.

"Does it look good on me, or is one button better?" I questioned, looking down to check my uniform.

"As if naman may nagbago." Sagot ni Colette.

"Tapos makasabi ka na himala? Wala naman pa lang nagbago."

​Dapat talaga si Vérene na lang lagi kong kausap, at least tumitino ako, unlike pag sila Colette. Nevermind na lang.

"Sungit!" We all came to a halt when a girl stepped in front of us, more in front of Nova.

When her face seemed so familiar, my brows met in the middle. Wait. I recognized her. I leaned in closer to examine her face. Nang hindi pa ako nakontento ay hinawakan ko ito sa pisngi.

"Aww." Inis na binalingan ko ng tingin si Nova nang paluin niya ako sa kamay na nakahawak sa pisngi nung babae. "What was that for?"

"Ano ginagawa mo sa girlfriend ko?"

Nanlaki ang mata ko at palipat-lipat na tinapunan sila ng tingin. Did I hear it right? Her girlfriend?

"Andre?" Wala sa sarili na tawag ko sa kaharap namin na babae na ngayon ay may malawak na ngiti sa labi.

"Andrea na Rivianna." Natatawa niyang sagot tsaka kumawit sa braso ni Nova. "Hiramin ko lang girlfriend ko. May lakad pa kami."

I didn't have a chance to talk nang umalis na sila sa harapan namin ni Colette. Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang nalaman ko ngayon lang. How come? Kailan pa siya naging fem? Parang kailan lang she's a butch. Ayaw pa nga niyang nila-label na babae kasi pogi daw siya, so what happened? Why all of a sudden babaeng-babae na 'to ngayon?

"Alam mo ba-" Magtatanong sana ako kay Colette kaso parehas kami ng facial expression. Parang tumitingin lang ako sa salamin, 'yon nga lang cheap mirror siya. We're both shocked.

"Grabe uso na talaga himala sa mundo ano? Una ikaw, ngayon si Andrea?" Wala sa sarili siyang naglakad habang naiiling. "Sino kaya next?"

"Ikaw." Sabat ko at sinabayan siya maglakad. "Mai-in love ka sa iba."

"Asa! Kay Eleven lang ako." She rolled her eyes as she walked away from me. "Bahala ka na nga diyan. Maghanap ka ng kausap mo!"

I had no choice but to attend class when she left, ignoring my laziness. I really want to see Vérene, but I know she's in her class. Kaya lang hindi ko naman alam yung schedule niya.

Wait.

Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ko na I can just text her. Why did I forget about that? May number na pala niya ako.

To: Menopausal.

Hi! It's me. Your future.

Apodyopsis: Built for sin (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon