Apodyopsis-BFS 32

2K 95 15
                                    

Rivianna Avril Samonte

"Thank god you're here!" Mabilis ang lakad na ginawa niya papunta sa pwesto ko. "Can we talk?"

I didn't move, I just stared at her hanggang sa makalapit siya. Hindi ako nagbigay ng kahit anong reaction nang hawakan niya ang mga kamay ko kahit na gustong-gusto ko na siyang itulak at ilayo ang sarili ko sa kaniya.

"Rivian." Tawag niya ulit sa pangalan ko habang nangungusap na nakatingin sa'kin. "Please? Kahit pakinggan mo lang ako." Naramdaman ko ang bahagya niyang pagpisil sa mga kamay ko.

Now that we're inches apart, I can look her in the eyes. Her naughtiness in those brown eyes is now gone. I could only see sadness and pleading.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ngunit lalo lang itong humigpit.

"Y-you don't have to talk. J-just listen to me please, baby?" Natataranta niyang sabi. Kita na rin sa mga mata niya ang namumuo niyang luha. "Kahit hindi mo na ako paniwalaa— please Rivian." She hugged me tightly after I managed to break her hold on mine.

Wala naman na sana akong balak pakinggan pa siya, but I saw Miss Morana sighing in relief at isa pa ramdam ko rin naman ang kagustuhan na makausap ako ni Shaye. Maybe it's time to listen to her, hindi naman magbabago ang isip ko, hindi na magbabago kung ano na ang natapos sa'min. We're totally done.

"Okay." I held her shoulder and slightly pushed her away from me. "Talk."

Bahagya pa siyang nagulat maybe because she didn't expect me to give her a chance to talk. She tried to open her lips pero walang salita ang lumabas dito.

"What? Magtititigan na lang ba tayo dito?"

"Shaye."

Napatingin ako kay Miss nang magsabay kami magsalita. Now I'm curious kung ano nga ba talaga nangyari lalo na pilit siyang pinipigilan ni Miss. Why is she trying to stop Shaye from talking to me? Bakit rin pilit niyang pinapalayo ako dito.

Shaye sighed and gave Miss Morana one brief glance before explaining to me.

"It's my parents' work." She started. Tinawag siya muli ni Miss ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "They want me to break up with you dahil hindi ka nila gusto para sa'kin. Of course, I didn't listen to them dahil mahal kita. I fought for us, Rivian. Lumaban ako and then one day nakita ko na lang sa socmed ang nangyari."

So it's her parents' fault kung bakit nangyari 'yon. Should I believe her?

"Wala akong kinalaman sa pagkalat ng video. I would never do that to you. I will never betray you, Rivian." Her eyes and voice were filled with sincerity.

"Then where were you when I needed you the most?" I didn't make an effort to hide my hate in my voice. Sabi ko lang makikinig ako pero hindi ko na namalayan na magtanong dito.

"They locked me up and dragged me just to send me far away from you. Tumakas ako para balikan ka pero huli na. Wala na kayo. My parents ruined your image of me. Naniwala ako and that's my biggest regret, Rivian. Nung nalaman ko na gawa-gawa lang 'yon, I wrecked my life because of the pain I felt. I dragged myself to the point that I needed help."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. I didn't know na nahihirapan rin pala siya. Akala ko iniwan niya lang ako sa ere ng ganon na lang. Pagkatapos gamitin ay basta na lang itatapon.

Apodyopsis: Built for sin (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon