LUNES AT nasa skwelahan na naman ako. Sobrang higpit ng hawak ko sa strap ng bag kasi alam kong may pasa na naman akong matatanggap ngayon. Every Monday at Friday ako pinagtitripan ng mga kaklase ko na siyang medyo kinakasanayan ko na rin.
Sa school na 'to bawal ang bully, pero kahit bawal nagagawa pa rin nilang saktan ako nang paulit-ulit. Sa tingin ko kasi binabayaran ni Wan ang mga security dito na 'wag mangialam. I bet he paid those students na nananakit sa'kin para gawing empyerno ang buhay ko.
Sa ilang taon kong pag-aaral dito, masasabi kong sobrang hirap. Nang mangyari ang isang pagkakamaling ginawa ko, sa isang iglap nagbago lahat. It was so painful and unbearable whenever I saw my bruises. I know they're too much, but reality is harsh; I know I can't stop them.
Keeping myself away from them was such a waste of time. Nakakapagod pero kailangan kong magpatuloy. I know, I'll survive. Tatapusin ko lang tong sem na ito tapos aalis na ako.
“Hello there, Amora Mauvianna,” -bati sa'kin ni Cora, a mean girl here in SIS na sa tingin ko'y isa sa kalandian ni Wan. “Okay. Two days ang vacation mo, 'di ba? Wala ka na bang pasa?”
“Cora, please. Tantanan mo na ako.”
“Why the hell would I do that?” -maarteng tanong niya. “Wan pays me. He gives me everything I want. Wan hates you, and that makes me hate you a billion times more.”
Bumuga ako nang marahan. Napatango-tango naman ako sa sinabi niya.
“Mamaya niyo na lang siguro ako saktan pagkatapos kong ipasa lahat ng research ko. Kailangan ko na kasi 'tong ibigay kay Professor Miles, late na kasi ako eh.”
Her eyebrows lifted as if she was going to speak, but I walked past her. Nilagpasan ko siya at dumeritso sa building ko. Pinagtitinginan na naman ako nang mga estudyante na para bang isa akong nakakadiring nilalang na dapat nilang patayin. Hindi ko na sila pinansin dahil ganyan naman sila palagi.
Habang naglalakad, nakasalubong ko si Skyler Gray na siyang may-ari nitong buong SIS. Hinarangan niya ako nang mabilis na palagi niyang nakagawian.
“What the hell happened to your neck, Mauvianna?”
And yep. He's like this too. I don't want to befriend him pero napakatigas ng ulo. “Sky, please? 'wag mo na akong kausapin.”
“Ilang beses ko rin bang sasabihin sa'yo na bakit?” -naiinis niyang tanong. “Saka, bakit ba palagi kang may pasa? Sino bang may gawa niyan?”
“Nadapa lang ako, okay?”
“Nadapa? Sa leeg ka nagkapasa? 'yan ba ang nadapa para sayo?”
Sumusukong napabuga ako nang hangin.
“Kailangan ko ng umakyat.”
Hahakbang na sana ako nang hinawakan niya ako sa kamay. “Mauvianna,” -tawag niya. “Gamutin muna na'tin 'yang sugat mo bago ka pumasok sa klase.”
“Sky, papagalitan—”
“—Ako na bahala, okay?” -putol niya sa sasabihin ko. “Leave it all to me, sasamahan naman kita kapag tapos na.”
Hinila na niya ako papunta sa opisina niya. May sarili siyang tambayan dito sa loob ng SIS. Syempre, siya yung may-ari eh. Makakaya niya talagang gawin lahat ng gusto niya.
Habang naglalakad, nakayuko lang ako kasi pinagtitinginan kaming dalawa. Sino ba naman kasing hindi titingin sa nag-iisang Skyler Gray na ngayon ay nakahawak sa kamay ko? Napatingin ako sa kamay naming dalawa ng bigla niya yung pinagsiklop. I was trying to remove his hands pero mahigpit ang hawak niya, parang wala nga lang din sa kanya na pinagtitinginan kami.
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomanceJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...