CHAPTER 27

11.9K 335 22
                                    

AMORA! SMILE!” -tinakpan ko agad ang mukha ko ng makitang kukuhanan ako nang litrato ni Nico. “I believe you're being too hard on me, gorgeous. Bakit ba ayaw mong makipag-picture sa'kin?”

“Bawal nga, 'di ba?”

Agad siyang bumusangot. “Sino ba kasi ang tanginang bumabawal sa'yo?”

“Sarili ko.”

Iiling-iling na nilapitan niya si Sky na ngayon ay katabi ko at kumakain ng kung ano-ano. He has been eating a lot of food for about twenty minutes now. Unli pagkain kasi tapos masasarap pa. Sa mga kaibigan niya, siya lang at si Nico ang nakatambay malapit sa mesa dahil sa sangkatutak na pagkaing inihanda ng mga hotel staff.

May gagawin kaming games mamaya and I am excited kasi sabi ni Skyler mag e-enjoy daw ako. Mamayang gabi din maglalaro kami ng truth or dare kasi request ng isa sa mga school mates namin. Nasa 500 plus kaming nandito at sa sobrang daming second year college students sa SIS hindi ko alam kung paano naha-handle nila Sky ang mga 'to. Madami na ang limang daan, yung iba hindi na nakasama.

Thankful din ako kasi isinama ako nang kaibigan ko. No one's bullying me again, I don't really know the exact reasons, but maybe because of my looks. Truth hurts pero bumabasi talaga ang respeto ng mga tao ngayon kung gaano ka ka-ganda at ka-gwapo. World are really unfair, And I damn know that.

“Guys, let's swim!” -pang-aaya ni Winter na kararating lang. “Nang-iinggit na si Ace. Pinag pe-pyestahan siya ng mga chicks.”

“Just let him. Loyal naman 'yan.”

“Takusa kasi.”

Ace is handsome, lahat ata ng mga estudyante nagkakagusto sa kanya, except for me dahil may iba akong nagugustuhan. I only see him as my friend, and I know I can't develop any feelings for him, not even a bit. He's already taken, I think? I'm not sure about the real score between him and Astrella.

May pagkahawig ang mukha ni Astrella kay Achelios. I just don't know if they really related to each other. I didn't ask her last name kasi, pero pwede ding magkamali ako.

“Mauvianna,” -gulat akong napalingon kay Sky ng tinawag niya ako. “You wanna swim?”

Napaisip agad ako sa sinabi niya. Kanina pa kami dito nakatambay at nakatingin sa mga kasama naming nagsasaya. Maybe it's time to wet myself.

“Ngayon na?”

He nodded, “It's hot. Gusto ko ng lumangoy.”

Tumayo na ako nang makitang tumayo din sila Nico. Naglakad sila ni Winter papunta sa dagat habang ako naman nakayuko kasi pinagtitinginan ako nang maraming tao, lalo na sa katawan ko. I am wearing a white big shirt na hanggang tuhod ko ang taas, may bikini naman ako sa loob ang kaso nahihiya akong ilabas ang katawan ko.

Lahat ng tao na nandito sobrang se-sexy. May nakita akong voluptuous ang katawan pero sobrang hot niya paring tignan. Every women around me are so sexy, they looks so mature and fierce.

Kagaya na lang nila Ace, Nishimura, Winter, Devor saka Nico. Sa sobrang pogi nila nakukuha nila ang atensyon ng ibang tao. They're wearing a beach outfit, tapos dagdag pa ang mga abs nila na talagang tinitilian ng mga kababaihan.

“Mauvianna,” -I was so startled for the second time when Sky called my name. “C'mon.”

Napakagat ako sa bibig at napahawak ng madiin sa laylayan nitong damit na suot ko.

“You okay?” -tinanggal niya ang shades sa mga mata niya. “Ayaw mo pa bang maligo?”

“H-Hindi. I mean, susunod na lang ako.”

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon