DITO NA natulog si Wan sa bahay, hindi ko na siya pinauwi kasi nga lasing talaga. Sinabi ko din kay lola kagabi na umuwi si John Gil, ayaw ko kasing mag-isip ng kung ano-ano si Lola, baka kasi isipin niyang nagpapapasok ako nang kung sino-sino sa bahay niya kahit gabi na. She told me before na 'wag kung gagawin 'yon.
Unluckily, hindi ko siya nasunod. Hindi naman kasi pwedeng ipagtulakan ko si Wan palayo kahit alam kong lasing na lasing siya.
“La. Gusto niyo ba ng kape?” -tanong ko. “O gatas?”
“Gatas na lang muna, apo.” -sagot niya. “Pakidala na lang muna sa kwarto, ha?”
“Opo, La.”
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ulit ako.
“Gising na ba si Janjan?”
Napangiti ako sa isipan. JanJan ang tawag niya kay Wan, ewan ko kung saan niya nakuha 'yang pangalang 'yan.
“Hindi pa po, La, mamaya magigising na po 'yon.”
“O siya, sige. Sa kwarto na lang muna ako.”
Ginawa ko na ang utos ni Lola. Kung noong una nakahiligan niya ang pagkakape, ngayon naman biglang umiba. Natatawa talaga ako sa kanya, sa dami-daming groceries na pinamili ni Wan hindi ko alam kung paano namin mauubos. Si Lola naman hanggang may nakikita siyang pagkain titikman niya hanggang sa mabusog siya.
Pagkatapos kong ibigay kay Lola ang gatas niyang pinatempla, kinuha ko naman si Gia na kanina pa nakatingin sa'kin. Hinaplos-haplos ko ang balahibo nito habang kinakausap siya.
“Ikaw ha, palagi ka na lang sa kwarto nagmumukmok.” -usal ko. “Hindi naman ba nabo-bored ang baby ko?”
Pinanggigilan ko ang mukha niya ng bigla siyang nag-meow. Ang kyut-kyut niyang hawakan. Mabuti na lang din at nawala na yung mga sugat niya. This cat is my therapy talaga. I don't know how to start my day kapag hindi ko siya nakikita.
Gia is so sweet cat. Sa tuwing pumapasok ako sa kwarto na mabigat ang dibdib, unti-unti naman siyang lalapit sa'kin tapos kakandong sa lap ko. She keeps saying 'meow' three times tapos ngumingiti siya kapag sinasabihan ko ng 'I love you too.' I just don't know why I always say those four words to her every time she cuddles me. Kapag naririnig ko na ang tatlong tunog na 'yon sa bibig niya, buo na ang araw ko.
“Gutom na ba ang baby ko?” -tanong ko at dinala siya sa labas ng kwarto. “My cat food ka pa namang natitira, papakainin kita mamaya.”
Naglakad ako papunta sa mesa at dun umupo. Dahan-dahan ko namang hinahaplos ang balahibo ni Gia habang umiinom ng gatas na tinempla ko para sa'kin.
I kept humming some tunes to entertain myself. I closed my eyes while letting the sunlight touch my face. Kahit simple lang yung buhay ko dito, inaamin kong naging masaya naman ako lalo na't kasama ko si Lola. Siya lang talaga yung taong ayokong mawala habang nabubuhay ako sa mundong 'to. Gia is also part of my life kaya ayoko ring mawala siya sa'kin.
“Good morning.”
Napatigil ako kakahuni ng marinig ang boses ni Wan. “Magandang umaga.”
Ngumiti siya sa'kin.
“Mas maganda ka pa sa umaga.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. It feels so awkward whenever he says something sweet to me. Kumuha na lang ako ng tasa at kape na pwedeng etempla sa kanya, alam ko naman na ang gusto nito kaya hindi na ako magta-tanong.
“Where's Lola?”
“Nasa kwarto,” -sagot ko, binalingan ko naman ng tinging ang baby ko. “Gia, behave ka lang, okay?”
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomanceJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...