CHAPTER 10

12.7K 377 57
                                    

MAAGA AKONG nagising dahil kailangan ko pang pumasok sa klase. Si Wan naman ngayon ay nasa kwarto ko natutulog, hindi kami tabi dahil ayaw ni lola—sympre ayaw ko rin naman dahil baka mamaya anong isipin ni lola.

Habang abala ako sa pagsuklay ng buhok, napatingin naman ako sa pinto ng kwartong kakabukas lang. Lumabas naman dun si Wan na halatang kakagising, nag-unat sya nang braso na para bang galing sa isang bakbakan, sympre halata namang hindi sya sanay sa kamang matigas. Kapagkuwa'y napadpad ang tingin niya sa'kin na syang ikinaiwas ko, ayokong titigan ang mga mata niya, hindi ako komportable. Nagpatuloy ako sa pagsuklay hanggang sa naramdaman ko ang presensya nito sa likuran.

“Morning,” -bati saka ngumiti. “Off to school?”

“O-Oo. O-Okay ka lang naman siguro dito, diba?” -tanong ko. “N-Nakatulog ka ba ng mahimbing?”

“Hindi masyado, pero for sure masasanay ako.”

Napatango-tango ako nang dahan-dahan. Inayos ko na ang uniform na suot ko at isinukbit ang bag sa likuran. “Nakapagluto na ako nabg agahan. Kung... kung may kailangan ka pa sabihin mo sa'kin ngayon at nang magawa ko.”

Lumapit sya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko, nanigas naman ako sa ginawa nito.

Paano pag makita kami ni lola? Baka mali pa ang isipin niya. Unti-unti akong umatras at tumingin dun sa mesa.

“G-Gutom ka na ba?” -aligaga kong tanong. “Ipaghahanda na kita.”

“Hatid na kita sa school mo. What time is your class?”

“Eight.”

“Alright,” -he nodded. “I'll just wash myself first, hintayin mo ko.”

“W-Wan.” -pigil ko sa kanya “Hindi mo naman kailangan na sumama sa'kin, okay lang talaga ako. S-Saka isa pa, h-hindi pa maayos ang sugat mo, baka mamaya mas lalo yang lumala.”

Ngumiti sya sa'kin at hinila ang kamay ko nang mahina, napatitig naman ako sa mga mata nitong namumungay.

“Kung nag-aalala ka na baka may makakita sa'tin, then okay, hindi na ako lalabas ng kotse. Before I forgot too, may bibilhin rin pala ako sa mall na ilang gamit para ilagay dito sa bahay.” -napakunot ang noo ko .“Do you have any cash right now?”

“H-Ha?”

“Cash?”

“Meron naman.” -napakagat ako sa pang-ibabang labi. “150 pesos”

“150 pesos? Baon mo yan araw-araw?”

“May baon naman ako sa bag, pamasahe ko lang 'to saka bayad narin sa ilang project na kailangan.” -sagot ko. “Tama na sa'kin ang pera ko.”

May pagsusuring tinitigan niya ako sa mukha.

“Dito ka lang muna, I'll just change my clothes.”

Hindi na ako nakapagsalita ng bigla syang tumalikod. Napatitig naman ako sa bulto niyang pumasok sa kwarto ko. Tama ba yong narinig kong bibili sya nang mga gamit sa bahay?

Kagabi, inisip ko rin na baka magbago na ang pakikitungo niya sa'kin ngayon, pero gaya ng di inaasahan, ganon pa rin sya, malumanay parin ang boses niya sa twing kakausapin ako at hindi ako sinisigawan, ni hindi na nga niya ako minumura.

Isang malaking katanungan sa isip ko, bakit kaya sya nagbago? I mean, masaya ako kahit papano dahil hindi na ako umiiyak sa mga pinaggagawa niya, nandito pa rin ang trauma ko sa twing kakausapin ko sya, pero ano nga ba ang dahilan? Why did he change?

Napahilamos ako sa mukha. I need to focus, I should stop myself thinking about him.

“Amor? Hindi ka pa ba aalis?” -napatingin ako kay lola na kalalabas lang ng kwarto. “Aba'y mag-aalas otso na.”

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon