CHAPTER 30

13.5K 376 30
                                    

IT'S BEEN a lot of days simula nang umalis si Kuya pabalik sa palasyo. Si Barret naman lumabas para sunduin ang kapatid ko na pauwi na ngayon. I am really glad na naisipan na niyang bumalik, kung hindi ko pa syia tinakot na magkakagusto si Ate September sa Butler niya, ewan ko na lang talaga.

Nasa mansion ako ni Kuya pansamantala nakatira at kasama ko si Lola saka si Gia na ngayon ay nanlalambing sa'kin.

Napatingin ako kay Carson na siyang kasalukuyang nagluluto. He's Barret's cousin, at siya yung nagbabantay sa'kin dahil wala ang pinsan niya. He's a good cooker, just like his cousin, Barret, napakagaling niya ding magluto ng pagkain. Feeling ko nga full package 'to.

Humarap siya sa'kin habang may hawak na kutsilyo. “Would it please you if I were to adorn your bread with some delectable cheese, My Lady?”

Napakagat ako sa bibig.

“Hindi ko kasi gusto yung cheese, 'wag mo na lang lagyan.”

“Oh,” -he nodded. “Okay then.”

I chuckled when I heard him speaking an Italian language saying that he's dumb. Kagaya ni Barret, napakamasunurin din ni Carson. Kahit tapos na siya sa ginagawa niya, maghahanap 'yan ng trabaho na gagawin. Halatang hindi napapakali kapag wala akong inuutos.

He's half Italian and half German, walang dugong Pilipino pero sobrang galing kung magsalita ng Tagalog. Sobrang tangkad niya at mukhang magkasing tangkad lang sila ni Kuya Lightning. Medyo makapal ang kilay nito tapos yung kulay ng mga mata niya kulay indigo, sobrang tangos nang ilong, medyo mabalahibong kamay kaya napaka-attractive niyang tignan.

Naging malapit na ang loob ko sa kanya kasi mabait siya, sobrang galang niya rin at talaga namang nakakamangha kasi may kagaya niyang nagbabantay sa'kin na puring-puri sa physical na kaanyuan. He's good when it comes to fighting as well. Actually, siya yung nagti-train sa'kin ngayon.

“Carson, bantayan mo muna si Gia,” -anas ko. “Labas lang ako saglit.”

“Your Highness, it would be most inappropriate if you leave without me. Allow me the honor of accompanying you.”

“Hindi naman ako lalabas nang bahay, dun lang ako sa bakuran magdidilig nang mga halaman.” -tinuro ko ang bakuran. “'wag kang mag-alala, secure na secure yung buong mansion ni Kuya.”

He nodded. “Very well. If you feel something strange, just press your bracelet.”

Napatingin ako sa bracelet na binigay ni Kuya na sinadya niyang ipagawa para sa'kin.

“I know. Thank you.”

Yumuko lang siya bilang paggalang kaya tumalikod na ako. Honestly, ayokong may gumagawa nun sa harap ko, yung tipong yumuyuko talaga na para bang sinasamba ako, hindi naman kasi ako santo o dios para gawin nila 'yon.

Even those Royalties sa palasyo na mababa ang posisyon. They would treat us like high and mighty beings or even praise us as if we were gods. Jesus Christ is my only King, and I bow only to him. When it comes to Kuya Damein, I do not bow, kahit naman kay Papa. I believe that god is the most powerful deity in the entire galaxy, and we humans should acknowledge that.

Pagdating ko sa malaking bakuran ni Kuya, napangiti ako nang makakita ng mga bulaklak. For sure, hindi siya ang nagtanim nito, si Barret lang kasi ang nakikitaan kong may potential. Kinuha ko ang isang mahabang hose at sinimulan ng paliguan ang mga pananim.

Kuya Damein's backyard is indeed mesmerizing. Nakakarelax ang paligid, at ang sarap-sarap tignan ng mga malalaking flowerpot. Barret really knows how to take good care of everything. Kahit si Kuya, naaalagaan niya rin ng mabuti.

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon