CHAPTER 11

13.2K 341 32
                                    

GAYA NGA ng sinabi ni Wan, may lakad kami ngayon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi ko na rin siya tinanong kasi nahihiya ako.

Kahapon lang din maaga niya akong sinundo sa SIS. Hindi na ako nakapaglinis kasi siya na mismo ang kumausap kay Dean. Wala kasi si Skyler nung time na 'yon na ipinagpapasalamat ko kasi baka mamaya ano pang mangyari sa kanila.

“Baby?” -katok ni Wan sa pinto ng kwarto ni Lola. “Are you done?”

“T-Teka lang!”

Tinali ko ang buhok ko saka dali-daling binuksan ang pinto. Nakangiting labi naman agad ni Wan ang bumungad sa'kin ng makalabas ako.

“You're perfect,” -he uttered. “Goddamn perfect.”

“H-Ha?”

He chuckled. “Come on, I'm pretty sure magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan na'tin.”

“Magpaalam muna tayo kay Lola.”

Agad kong hinanap si Lola Auring na ngayon ay kasalukuyang nasa kusina. Inspired siyang magluto kasi kompleto ang kitchen utensils. May refrigerator rin na siyang ikinagulat ko talaga kahapon. Wan even bought an oven, blender, stove at kung ano-ano pa. Binilhan niya rin si Lola ng TV na pinangako niya.

Naiiyak ako sa tuwa ng makita sa mga mata ni Lola ang kasiyahan dahil sa mga bagay na binigay niya. Ako rin naman, hindi ako makapaniwala.

“La?” -mahinang tawag ko. “Alis na po kami.”

“Mag-iingat kayo. Uwi kayo ng maaga, magluluto ako nang biko.”

“Opo.”

“Don't worry po, pagbalik namin may araw pa.”

“Ingatan mo 'tong apo ko, maliwanag?”

“Yes po.”

Nagmano kaming dalawa saka tuluyan ng umalis. Gaya ng nakagawian, hinawakan na naman ni Wan ang kamay ko ng makalabas kami ng bahay. Hindi talaga ako komportable pero dahil nga ayokong magalit na naman siya sa'kin, hindi na ako umiimik.

Nang makasakay sa kotse niya, ganun parin ang ginagawa nito. He will cover my head and then held my hands while he's driving. Ang mga ganitong galaw niya ang mas nagpapaisip sa akin kung hahayaan ko lang ba o sisitahin.

Wan played a melody songs while humming. Ako naman, nakangiti lang sa isipan kasi sinasabayan niya rin yung kanta. Maganda yung boses niya, ngayon ko pa nga lang narinig. I really don't know kung bakit niya ito ginagawa sa'kin ngayon. Him, being sweet? Sobrang napakalaking himala. Even though I find everything so mysterious, nananatili parin akong tahimik. I don't want him to get mad at me again, ayokong bumalik yung dating John Gil. Nakakatrauma.

Habang tumitingin ako sa labas ng bintana, napasinghap ako nang palihim ng makakita ng isang pusa sa gilid nitong kalsada. Dumudugo pa ang mukha nito na ikinataranta ko.

“W-Wan,” -tawag ko sa pangalan niya, “I-Itigil mo muna yung kotse.”

“What?”

“Itigil mo muna,” -ulit ko na agad naman niyang sinunod. “L-Lalabas lang ako saglit, may titignan lang ako.”

Tinanggal ko yung seatbelt ko sa katawan at tuluyang lumabas. Tumakbo ako papunta sa pusa na ngayon ay paikaikang naglalakad sa tabi ng daan. Para namang pinunit ang puso ko ng makita ang mga sugat nito sa malapitan.

“Oh god, baby,” -sambit ko at dahan-dahan siyang kinuha. “Who did this to you?”

Mas lalo akong nalungkot ng makita sa mga mata niya ang sakit.

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon