ONE YEAR and two weeks later.
Naubos na ni John ang isang boteng alak ngunit hindi pa rin siya tinatamaan ng kalasingan. Isang taon na ang lumipas ngunit hindi na siya binalikan ng dalaga, gustong-gusto niyang pumunta sa England ngunit alam niyang hindi rin siya makakapasok sa palasyo.
Katabi niya ngayon ang anak niya na tahimik siyang pinagmamasdan. He was controlling his tears when someone barged in.
“Jan Jan, ano ka ba,” -napatingin siya sa kapatid na kapapasok lang ng mansion. “Bakit ka ba naglalasing? Ba't hindi ka pa nakabihis?”
Nangunot ang noo niya. “Ba't naman ako magbibihis?” -bagot na bagot niyang sagot. “Nasaan si Zelaira? Ba't hindi mo sinama?”
“Gusto mo bang makita ka ng niece mo na ganyan?” -tumabi ito sa kanya. “Magbihis ka, a-attend tayo ng kasal.”
“Kasal?”
“Yep. Kasal ni Zach.”
Talagang nagtagpo ang kilay niya. “Ikakasal na si Zach? Ba't hindi ko alam?”
“Ah, kasi puro pag-iinom lang ang inaatupag mo sa buhay kaya ka nagmumukhang bobo?” -sarkasmong sagot ng kapatid. “Hurry up, male-late na tayo.”
Napahilamos siya sa mukha. Tangina! Sa sobrang pag-iisip niya kay Amora pati mga importanteng okasyon hindi na niya alam. Why the hell didn't he know about it? And why the fúck didn't his friend tell him about that freaking marriage?
He looked up at the ceiling and stared at it. His sister's voice pervaded his ear again. “Anyway highway, drink this para sa hangover mo.”
“Hindi ko kailangan 'yan.”
“Pag sinabi kong inumin mo, iinom ka,” -sinamaan siya nito ng tingin. “Don't make me mad, John Gil Voughne Cullen, masasapak kita.”
“Ba't ba ikaw yung nandito? Nasaan ba asawa mo?”
“Susunod siya later, don't worry.”
Naiinis na hinablot niya ang isang capsule at ininom 'yon. “Happy?” -he asked sarcastically. “Dun ka na sa labas maghintay, ang ingay-ingay mo.” -kapagkuwan ay binalingan niya si Gia. “Hey, baby, come here, magbibihis tayo.”
Mabilis niyang kinarga ang pusa niya at humakbang palayo. Nakailang hakbang pa lang siya papunta sa hagdan ng biglang umikot ang paningin niya. Napahinto siya saglit at napahawak sa ulo ng kumirot 'yon.
Mabilis niyang inilagay si Gia sa sahig at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kapatid. “What capsule did you gave me?”
Napamura siya ng makita ang ngiti sa labi nito. Ngiting mala demonya.
“Sleep ka na, okay? We will take care of you naman eh.”
“Zaf—” -napadapa siya sa sahig ng biglang umikot ang paningin niya. “Oh fúck. D-Damn it.”
“Good mornight, little brother, love you!”
Pinilit niyang 'wag ipikit ang mga mata ngunit kahit anong gawin niya dumadalaw talaga ang kadiliman. Naiinis niyang ikinuyom ang mga kamao at hinayaan ang pamimigat ng talukap na lamunin siya.
His sister never change. Demonya pa rin kahit may anak na. Fúck it!
MAY NGISI sa labi na pumalakpak si Diamond habang nakatingin sa kapatid niyang nakahiga sa sahig, gumana ang plano niya. Napaka effective ng sleeping potion na pinagawa niya, ilang segundo pa lang borlogs na.
She cheerfully grabbed her phone sa mamahalin niyang bag at denial ang number ng asawa.
“Where are you?” -umupo siya sa couch at pumandekwatro. “He's already sleeping. Si Zelaira? Is she okay? Nakabihis na ba siya? What about Mom and Dad?” -napatango-tango siya ng marinig ang sagot nito. “Alright, hihintayin kita dito, I love you.”
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomanceJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...