CHAPTER 28

12.1K 341 14
                                    

A-Anong... P-Paano ka nakapasok?” -nauutal kong tanong. “B-Bakit ka nandito?”

Halos kumabog palabas ang dibdib ko sa kaba ng lumapit siya sa'kin. Kinakabahang umatras ako hanggang sa napasandal ako sa pader. Hawak-hawak ko ang suklay ng mahigpit dahil kinakabahan ako sa tinging pinupukol nito sa'kin. Hindi ako makapaniwalang nandito siya. After how many weeks, nagkita ulit kami. Pilit ko siyang iniiwasan pero bakit ba palagi kaming pinagtatagpo ng tadhana?

Napapikit ako nang husto ng bigla siyang dumukwang palapit. Kahit wala sa utak ko na hawakan ang katawan niya ay nagawa ko pa rin dahil ayokong ma-dikit siya sa'kin.

“W-Wan, please? 'wag mo naman akong takutin.”

“Takot ka sa'kin?”

Napatitig ako sa mga mata niya. Ang mga mata niyang gustong-gusto kong titigan.

“Are you afraid me?”

“Hindi naman sa ganun,” -naitikom ko ang bibig. “I mean, h-hindi ka kasi dapat nandito.”

“Why is it so unfair? Bakit ako nababaliw sa'yo tapos ikaw...” -napahawak siya sa batok niya. “I am trying my best to stay away from you because I know you want that. I damn feel that you want a space. You want a goddamn space but everytime I tried—baby bear, please? I want you, I want you in my life, I want you.”

“Wan—”

“I love you,” -malalim siyang napabuntong hininga. “Mahal na mahal kita, Amora. Sising-sisi ako sa mga ginawa ko. I'm so sorry.”

“W-Wan.”

“Baliw ako,” -hinawakan niya ako sa kamay. “Baliw na baliw na ako. Amora, mababaliw na ako kakaisip sa'yo, putangina, gustong gusto ko nang dalhin ang sarili ko sa mental hospital. Every time I saw you scared of me, I wanted to punch myself, kapag nakikita kitang lumalayo sa'kin parang nawawalan ako nang ganang mabuhay,” -pinunasan niya yung luha niya. “I-I'm sorry... I'm so sorry. Patawarin mo ko, parang awa mo na, patawarin mo ko.”

Nahigit ko ang sariling hininga ng bigla siyang lumuhod at isinubsob ang mukha sa banda kong tiyan.

“I know I deserve to be buried six feet under the ground,” -dugtong niyang sabi. “I know you hate me, I know I should stay away from you but... I can't do that. My heart wants you, baby. I only want you.”

“Wan, tumayo ka.” -anas ko ngunit umiling lang 'to. “P-Please, hindi mo naman kailangang gawin 'yan.”

“Mahal kita, Amora. Mahal na mahal.”

I can't believe I'm hearing him saying this in front of me. Dahil sa nakikita ko ngayon sa kanya, naalala ko yung sinabi ni Barret.

Not every man can cry in front of their woman. Everyone may beg, pero hindi lahat iiyak.

This is the third time that I saw him crying, ang sabi sa'kin ni Barret kahapon bago siya umalis, mahirap daw talagang paiyakin ang mga lalake.

“Wan, tumayo ka na.” -anas ko habang nilalabanan na umiyak sa harap niya, parang kinakapos kasi ako nang hininga sa tuwing nakikita siyang ganito. “You don't need to kneel,” -I added. “Mag-uusap tayo ng mahinahon without doing—”

“Mauvianna?”

Naninigas ako sa kinatatayuan ng marinig ang boses ni Skyler. Napatingin naman ako kay Wan na ngayon ay nakayakap pa rin ang braso sa bewang ko habang nakasubsob sa'kin. “Mauvianna, open the door. Nandito si Kuya Lightning.”

Oh, my god. Kuya Damein.

“W-Wan.”

Agad na tumayo si Wan suot nakakunot niyang noo. “Why is my friend looking for you?”

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon